Released on 1997

Thumbnail

[Verse 1]

Kilala niyo na ba ako?

Ano na naman 'tong deliryo?

Dapat bang matuwa

O dapat malumbay?


[Chorus]

Sige lang nang sige

Hangga't mapanis ang ngiti

Tuloy ligaya, sige mangiliti

Handa ka na ba para tanggapin ako?

Tatawanan niyo ba ang isang payaso?


[Verse 2]

Hindi naman maangas

Hindi rin totoo

Kapag may maskara ang tao

Marami siyang matatago


[Chorus]

Trabaho niya'y tumawa pero gusto ring umiyak

Sa gusto niya't hindi, sila'y magagalak

Handa ka na ba para tanggapin ako?

Tatawanan niyo ba ang isang tulad ko?


[Instrumental Break]


[Verse 3]

Hindi na baguhan sa pagkukunwari

Manhid na siya sa lason, lason na ngiti

Eskapo niya 'to sa hirap at sa sakit ng mundo

Reyalidad niyang ito binibigay sa iyo, oh-oh, oh


[Instrumental Break]


[Chorus]

Ikaw at ako

May mga maskara din tayo

Kamandag ng katotohanan

Ang siyang lalaya sa isipan