Released on March 25, 2021

5K Views

Thumbnail

[Verse 1]

Pwede bang malaman ang iyong dahilan?

Biglaan mong paglisan, 'di napaghandaan

Hindi sana nasaktan at naguguluhan

Nasa'n ang pag-ibig na aking inaasam? Yeah

Inakala na makakasama ka

Hanggang sa dulo'y 'di mawawala

'Di na sana naniwala sa iyong mga salita na tila nag-iba


[Chorus]

Sa umiikot kong isip sa gabi

Yakap aking unan na tanging katabi

Inaasam ang pag-ibig na para sa akin

Sa umiikot kong isip sa gabi

Yakap aking unan na tanging katabi

Inaasam ang pag-ibig na para sa akin


[Verse 2]

'Di na nasundan ang kabanata natin

Kahit ilang beses pang ulit-ulitin

Mga alaala nating dalawa'y pinipilit ko pa ring limutin

Kahit na sa gabi ay pumapatak ang luha

Sa umaga'y napapatulala, halo-halong emosyon

Hinahanap ang rason, kung bakit bigla kang nawala

Hindi ko inakala na, 'di ko na muling mahahawakan pa

Ang iyong kamay na sa'kin ay binibigay

Kapag ako'y nalulumbay

At 'di na sana umasa sa mga pangako mo sa'kin

Mga pangako natin ating pag-ibig na dapat hindi nawala


[Chorus]

Sa umiikot kong isip sa gabi

Yakap aking unan na tanging katabi

Inaasam ang pag-ibig na para sa akin

Sa umiikot kong isip sa gabi

Yakap aking unan na tanging katabi

Inaasam ang pag-ibig na para sa akin


[Bridge]

Sana'y hindi nalang kita nakilala

Sana'y mabura lahat ng alaala

Dahil sa tuwing naiisip kita, ako'y naluluha

Sana'y hindi nalang kita nakilala

Sana'y mabura lahat ng alaala

Dahil sa tuwing naiisip kita, ako'y naluluha

Ah, ah, ah, ah


[Chorus]

Sa umiikot kong isip sa gabi

Yakap aking unan na tanging katabi

Inaasam ang pag-ibig na para sa akin