DETERMINADO

By RADKIDZ

Released on January 14, 2024

21K Views

Thumbnail

[Refrain: Pablo & Josue]

Layunin kong iligtas ang nilalaman ng isipan ko

Sasapat na nga ba'ng lahat ng ito

Kung determinado nga

Pero 'di naman makabasag ng plato?


[Verse 1: Josue]

Dami nagtanong, ba't 'to ang gusto?

Tahakin na landas, halika rito

Takbo ng utak ko ay malayo sa iyo

Maniobra palayo sa kakitirang 'yon

Kargado't napuno na rin ng galit 'to

Pero 'di ako magpapalunod sa lait niyo

Patuloy ang andar kahit na bali-baliko

Sa'king daanan, sumpang 'to ay mababali ko

Ano ba'ng sabi ko?


[Chorus: Josue]

Determinado

Walang makakapigil, 'di terminado

Aking sentido bumabasag ng mga bungo

Heto na'ng huling bersikulong maririnig mo

Galing sa'yong berdugo


[Verse 2: Josue]

Katumbas ako ng dalawa na ipo

Bawat suntok ay may bigat na mala-hippo

Kahit si Aeolus, hindi ako mahipo

'Pag nag-dempsey roll, bira mo'y sa anino

Musika lang aking bisyo, ang natatanging ambisyon

Kahit anumang opinyon, hinding-hindi malilipol

Lahat isasakripisyo, hindi kailangang abiso

Ng kahit na sino, heto na'ng aking pagsibol


[Refrain: Pablo & Josue]

Layunin kong iligtas ang nilalaman ng isipan ko

Sasapat na nga ba'ng lahat ng ito

Kung determinado nga

Pero 'di naman makabasag ng plato?


[Verse 3: Pablo]

'Di ako isang anito

Ako'y 'di hamak lang na isang mortal nga na bagito

Apoy ko'y imortal, 'di halintulad sa palito

Nagpapalit 'to ng anyo 'pag nakipagbasag-ulo, mga pabibo

Paniguradong matutusta, tyak sunog sa'kin

Ako ang Prometheus ng musika, tapos ka

Nagliliyab mga kutha, 'gad magigising ka

Kapag sinindihan ko pa, don't you drop the beat

Y'all can never take the heat


[Chorus: Pablo]

Determinado

Walang makakapigil, 'di terminado

Aking sentido bumabasag ng mga bungo

Heto na'ng huling bersikulong maririnig mo

Galing sa'yong berdugo


[Verse 4: Pablo]

Balisa, 'lang humpay sa paghuhukay ng mga tula

Sa bahay ng saysay parang tarantulang nalulumbay

Kahihintay ng pusang galang magtatangkang hamakin ang aking buhay

'Di mo maide-deny aking taglay

Kahit pa umabot ang paglakad ko ay pasuray-suray

Habang buhay maglalakbay

Patungo sa'king pangarap na kailan pa man ay 'di mamamatay

[Bridge: Josue, Pablo, Josue & Pablo]

Hindi mamamatay, laging mananalaytay ang enerhiyang aking ibibigay

Baybay lang ang kayang silayan, 'pag ang puso't utak ay hindi magkaugnay

'Di ko kailangan ng lamay, akin na nga 'yang tinapay

Tigilan mo'ng kakahukay, lumayas ka sa'king bahay

Kung isip ko'y 'di rin tunay, 'lang saysay magbigay pugay

Matagal na 'kong patay kung 'di lang determinado (Ah-ah, oh)

[Outro: Pablo & Josue, Pablo]

Ako ay determinado (Ako ay)

Ako ay determinado (Oh-oh)

Determinado

Ako ang iyong berdugo