Released on 2004

Thumbnail

[Verse 1]

Para sa tunay na lalaki

Para sa tunay na lalaking hindi natatakot

Para sa tunay na lalaking hindi natatakot tumalon sa bangin

Para sa tunay na lalaking lumalangoy sa salamin


[Refrain]

Swabe at mabango

'Wag nang mag-atubili, bumili na kayo

Eto na ang totoo

Eto na ang totoo


[Verse 2]

Para sa tunay na lalaking lumilipad at lumulutang

Para sa tunay na lalaking nagsu-swiming sa kalawakan

Para sa tunay na lalaking kumakanta at niroromansa ang buwan

Para sa tunay na lalaking kumakain ng buwan


[Refrain]

Swabe at mabango

'Wag nang mag-atubili, bumili na kayo

Eto na ang totoo

Eto na ang totoo


[Chorus]

Dahil ito na, ito na ang

Astro! Astro cigarettes!

Astro! Astro cigarettes!


[Bridge]

Pagkatapos mong kumain, magyosi ka

Pagkatapos mong magyosi, matulog ka

Mahimbing ka, managinip ka

Mangarap ka, lumipad ka


[Verse 3]

Kagabi napanood ko sa tv ang aking paboritong artista, idol ko

Sabi niya sa'ken, "Bumilli ka ng Astro cigarettes"

Nagbebenta siya ng ilusyon, nagbebenta siya ng panaginip

Nagbebenta siya ng pangako, at pangakong lumulutang na parang usok na galing sa isang malupit at mabango at swabeng-swabe na umaapoy na astro cigarettes


[Refrain]

Swabe at mabango

'Wag nang mag-atubili, bumili na kayo

Bumili na kayo

Ito na ang totoo, ito na ang totoo


[Verse 4]

Isang araw sa isang palengke sa Dumaguete, nakakita ako ng Astro cigarettes, bumili ako ng isang pakete, sumakay ng traysikel papunta sa buwan

At nagsindi, nagsindi, nag-relax, Nag-enjoy

Hinithit ang isang buong pakete, binuksan ang mata

At nag-dancing-dancing sa ibabaw ng mga planeta


[Refrain]

Swabe at mabango

'Wag nang mag-atubili, bumili na kayo

Ito na ang totoo, eto na ang totoo

Ito na, ito na, ito na! Ito na ang


[Chorus]

Astro! Astro Cigarettes!

Astro! Astro Cigarettes!

Let's go!


[Instrumental]


[Saxophone Solo]


[Chorus]

Ito na ang Astro!

Astro Cigarettes!

Astro! Astro Cigarettes!