Violet

By Pisces.MN

Released on December 16, 2022

Thumbnail

Di natin to ginusto, ang mawalay sa isa't isa

Naging magulo na tayo, pasensya nahirapan ka

Wala namang may kasalanan, bakit mo ba iniiwasan?

Wag kang mag-aalala (mag-aalala)

Hindi ako mawawala (mawawala)

Kung di lang kita sana nasaktan

Baka ikaw ngayon ang kahagkan

Nangungulila sa yakap mo hanggang ngayon

Kung di lang ako nagkamali, malabo nang ika'y mapangiti, inaalala mga tawa mo at halik

Piraso nalang ang tira sa mga bituin umaasa

Masilayan ka nang patago at makitang ika'y maligaya

Totoong masaya pag malaya, di nagbabaga tila hiwaga sa pakiramdam parang ulan na minsan mo lang maranasan

Walang tamang sagot sa pag-ibig, natural lang bitawan nagbabago ang ihip ng hangin ay nasayo yan kung papano hawakan

Wag kang mag-aalala (mag-aalala)

Hindi ako mawawala (mawawala)

Kung di lang kita sana nasaktan

Baka ikaw ngayon ang kahagkan

Nangungulila sa yakap mo hanggang ngayon

Kung di lang ako nagkamali, malabo nang ika'y mapangiti, inaalala mga tawa mo at halik