[Verse 1]
Hindi naman ako tanga
Pumapayo pa sa buhay ng iba
Pero 'pag usapang tayo na
Ako'y tangang-tanga
[Pre-Chorus]
Tila nabibingi ako sa paligid
O tinig mo lang ang aking naririnig
Lahat ng 'yong sasabihin sa'ki'y may kulay
Kaya 'wag mong susubukin, puso sa'yo'y bumibigay
[Chorus]
'Di na ako mapakali, nakailang, "'Yun na'ng huli"
Hindi ako makawala, kahit walang napapala
Damdamin ko'y nilalaro ng senyales mong halu-halo
Bakit ba paborito kong masaktan ng katulad mo? Oh
[Verse 2]
Hindi sa sinisisi ka, ah-ah-ah
Pero ba't kasi gumatong pa?
Kung wala namang pag-asa, ah-ah-ah
Ba't mo pinaasa?
[Pre-Chorus]
Tila nabibingi ako sa paligid
O tinig mo lang ang aking naririnig
Lahat ng 'yong sasabihin sa'ki'y may kulay
Kaya 'wag mong susubukin, puso sa'yo'y bumibigay
[Chorus]
'Di na ako mapakali, nakailang, "'Yun na'ng huli"
Hindi ako makawala, kahit walang napapala
Damdamin ko'y nilalaro ng senyales mong halu-halo
Bakit ba paborito kong masaktan ng katulad mo?
[Bridge]
At rumurupok ako nang tanging dahil sa'yo
Humakbang mang papalayo pero 'pag tinawag mo
Kusa 'kong babalik-balik nang hindi nag-iisip
Handa kunwaring masaktan, balik iyak sabay tahan
[Chorus]
'Di na ako mapakali, nakailang, "'Yun na'ng huli"
Hindi ako makawala, kahit walang napapala
Damdamin ko'y nilalaro ng senyales mong halu-halo
Bakit ba paborito kong masaktan ng katulad mo?
[Outro]
'Di na ako mapakali, mukhang lalapit pang muli
Hindi ako nadadala kahit walang napapala
Damdamin ko'y nilalaro, senyales mong halu-halo
Bakit ba paborito ko'y ikaw?