Bitawan

By Pattia

Released on June 30, 2025

Thumbnail

[Verse 1]

Bigla kang nanlamig

Malayo na’ng tingin

Ba’t 'di na lang umamin

Anong mapapala kung papatagalin


[Refrain]

Hanggang kailan mo ba?

Itatago ang alam ko na

Maghihintay sa’yong pasya

Kahit parang nag desisyon ka na


[Chorus]

Bitawan mo na lang ako

Kung mas madali sayo

Mahigpit man ang kapit ko

Kung puso mo’y nalilito

'Wag na 'wag ka lamang

Magsisisi sa hulihan

Usap kung may pagkukulang

Hindi pinapalitan panandalian


[Verse 2]

Panandalian nga lang ba?

Kailan ba nagsimula?

Tayo pa nga ba noon?

Nagsayang ba ng panahon?

Ang dami kong tanong

Takot sa’yong isasagot

Kakayanin bang malimot

O araw-araw lang kikirot


[Refrain]

Kung magpapatuloy ba?

Ay mayrong mag-iiba

Naghihintay sa’yong pasya

Kahit parang may desisyon ka na

Chorus:

Bitawan mo na lang ako

Kung mas madali sayo

Mahigpit man ang kapit ko

Kung puso mo’y nalilito

'Wag na 'wag ka lamang

Magsisisi sa hulihan

Usap kung may pagkukulang

Hindi pinapalitan panandalian


[Bridge]

Mahirap bang sabihin na ayaw mo na?

Mas madali bang pagsabayin ang dalawa?

Ang sabi mo noon, ako lang ang nag-iisa

Tama naman, ako lang ang nag-iisa


[Chorus]

Bitawan mo na lang ako

Kung mas madali sayo

Mahigpit man ang kapit ko

Kung puso mo’y nalilito

'Wag na 'wag ka lamang

Magsisisi sa hulihan

Usap kung may pagkukulang