Akala

By P4BLO

Thumbnail

Kala ko ba ako na?

Kala ko ba tayong dalawa sinta

Bat ka nanlalamig

Di ko na maisip ano bang mali ang aking nagawa-ah-ah

Parang may mali

Parang may iba

Ayaw mo na ba

Mauna ka na

Puro nalang ba mali ang iyong mga mapupuna aba ano ba

Talaga ang gusto

Nasasaktan ng husto

Sa mga salita na binibitiwan

Para tayong nag tititigan

Wala na ba talaga

Mga salitang binigyan ng halaga

Masakit pero ito ang totoo

Kailangan nang isara ang libro

Kala ko ba ako na?

Pare akala mo lang yon

Ibang iba ang noon sa ngayon

Tinagpo pero di tinadhana

Ilang taon puno ng akala

Kala ko ako

Kala ko ikaw

Kala ko ganto

Kala ko ganyan

Kala ko tayo Ano ba naman yan

Asan ang pangakong maghihintayan

Sakit diba?

Di mo pa dama?

Kwentuhang madaling araw para sa wala

Oras na ginugol at wala nang himala

Para lang aking malaman na may iba na

Di na muli magtitiwala

Sa puso kong nagpariwara

Umasa tayo sa dumaan na tala

Nais isulat ang palayaw sa bala

Ito na ang huling mensahe

Bago tayo magbukod sinta

Paalam na ako ay bi biyahe

Para naman to satin diba

Mga bagay na nilihim lumabas

Galit sa sarili ay napadalas

Siguro nga tama na ang oras para tayong dalawa ay kumalas

Kala ko ba ako na?

Kala ko ba tayong dalawa sinta

Bat ka nanlalamig

Di ko na maisip ano bang mali ang aking nagawa-ah-ah

Parang may mali

Parang may iba

Ayaw mo na ba

Mauna ka na

Mauna ka na