Nanaman

By P4BL0

Released on March 12, 2021

Thumbnail

(Intro)

You, you, you

(Chorus)

Ganito nanaman, puso ko walang laman

Puro Sakit aking ramdam, gusto tapusin nanaman

Bakit ba ganon? Gusto ko na tumalon

Mula sa ikalimang palapag ng aking isip

Sana lahat ito isang panaginip

(Verse)

Para ba 'kong nanaginip na

Ako'y nagmakaawa na tumigil na

Itong sakit na 'to na pinadama niya

Puso ko pinuntirya tapos pinana niya

Bakit ba masakit? Kaysa na tinulak palayo hatak palapit

Puso ko sinagip pero balak niya na tunay nilagyan ng takip

Kala ko ligtas na ko pinatunaw ko na puso kong tigas bato

Pero napitas niya ko pinapanaw niya pagibig 'kong likas nako

Ganto naman palagi

Kung sino nais na lumapit siya'y pinauwi

Ang puso ko sa limang paraan ay tinupi

Kala mo pera'y sikreto sa ligaya o hindi, hindi yeah

(Pre-Chorus)

Ganito nanaman, lagi nalang naulan

Ganito Nanaman, magisa nanaman

(Chorus)

Ganito nanaman

Puso ko walang laman

Puro Sakit aking ramdam

Gusto tapusin nanaman

Bakit ba ganon

Gusto ko na tumalon

Mula sa ikalimang palapag ng aking isip

Sana lahat ito isang panaginip