Released on October 1, 2024

Thumbnail

[Verse 1]

Iyong mga alaala, nangingibabaw

Sa isip ko hanggang paglalim ng gabi

At t'wing sinusubukang kalimutan

Lalong tumatatak sa puso't damdamin


[Pre-Chorus]

Ngayong wala ka na, 'di na masabi

Patawad sa mga pagkakamali


[Chorus]

Kung maibabalik mga tingin, mga sinayang na sandali

Kung mapagbibigyan aking hiling, pangakong 'di na aalis

Naghihintay at nagsisisi, ‘di na ba mababalik?

'Di na ba mababalik?


[Verse 2]

Muling nanghihinayang sa'king pagkukulang

'Di ko pinapansin, akala'y walang mali

Sa'ting pagsasama, tila biglang nagsawa

'Di ba nagtataka bakit parehong nanlalamig?


[Pre-Chorus]

Ngayong wala ka na, 'di na masabi

Patawad sa mga pagkakamali


[Chorus]

Kung maibabalik mga tingin, mga sinayang na sandali (Mga sinayang na sandali)

Kung mapagbibigyan aking hiling, pangakong 'di na aalis (Pangakong 'di na aalis)

Naghihintay at nagsisisi, 'di na ba mababalik?

'Di na ba mababalik? 'Di na ba mababalik? 'Di na ba mababalik muli?

('Di na ba mababalik? 'Di na ba mababalik?)


[Bridge]

Mahal, ikaw pa rin

Sigaw ng puso ko palagi

Oh, mahal, ikaw pa rin

Laman ng aking panalangin


[Chorus]

Kung maibabalik mga tingin, mga sinayang na sandali (Mga sinayang na sandali)

Kung mapagbibigyan aking hiling, pangakong 'di na aalis (Pangakong 'di na aalis)

Naghihintay at nagsisisi, 'di na ba mababalik?

'Di na ba mababalik? ('Di na ba mababalik?)

Ikaw pa rin ang iniibig, 'di na ba mababalik?

'Di na ba mababalik?