Daan

By Ochomil

Released on October 4, 2020

5K Views

Thumbnail

[Intro: Syke]

(8 Beats)

Tumayo ka

Humayo ka, nang makalayo ka

Kay maayo kaayo ka

Wa ka gabaga, gakalayo ka

'Di kakayanin ng maangas

Kung ang alab ng puso mo'y magniningas

At sisilaban ang mga sagabal sa daan

Kaya 'yung hadlang? Wala 'yon

Pero 'yang dagang nasa bayag mo

Kayang pakawalan ang leon

Kaya padayon

[Chorus: Rhyne]

Dami mang pahirap sa daanan ko tuloy pa rin ako (Oh, oh)

Mga negatibo na naririnig ay isinantabi ko 'to (Oh, oh)

Walang makakaawat, gano'n pa rin

'Di nagbago mga nais na abutin

Dami mang pahirap sa daanan ko tuloy pa rin ako (Oh, oh)

[Verse 1: CLR]

Maraming lunas sa aray

'Pag nalaman mo to maya't maya ka na hihirit

Binibirit ang boses para sa 'nyong kamalayan

Nakikinig sakin ngayon mga 'di ko yan pinilit

Tayo'y opposite, ako'y sabik sa berde

Habang 'kaw nama'y sabik sa bitch

At 'di pwedeng ihambing ang tapang ng aso

Sa tapang ng pantera

Paslang 'yan sa'kin, 'wag nang maghanap ng giyera

Dinalas-dalasan ang pagtapal sa patlang

At inakay mag-isa nang hangarin ng pagapang

Mas matibay na ngayon, hinubog ng nakaraang pasakit

Pero kahit gano'n, sinagot nito lahat ng aking mga bakit

Kaya

[Pre-Chorus: Rhyne & CLR]

Gawin mo lang lahat ng mga gusto mong gawin (Gusto mong gawin)

Gusto mong gawin (Gusto mong gawin)

Gawin mo lang lahat ng mga gusto mong gawin (Tell them Rhyne)

Gusto mong gawin (Wooh)

[Chorus: Rhyne]

Dami mang pahirap sa daanan ko tuloy pa rin ako (Oh, oh)

Mga negatibo na naririnig ay isinantabi ko 'to (Oh, oh)

Walang makakaawat, gano'n pa rin

'Di nagbago mga nais na abutin

Dami mang pahirap sa daanan ko tuloy pa rin ako (Oh, oh)

[Verse 2: Droppout]

Daming nasayang na oras at naging abo

Daming nalantang mga rosas pero ito pa rin ako

Nakatayo sa gitna, bitbit pangarap ko

Walang kaso kung lumisan dire-diretso pa rin 'to

Minsa nagkulang pero alam mo lahat ng 'yon

Ay may rason, sistemang kinahon, nilason

Pero sabi ng panahon, dapat ka nang bumangon

Ibaon mo na sa limot masamang kahapon

'Di na babalik pa kung san' man tayo ay nadapa

Tutok, gawa lang nang gawa at mano-mano walang himala

Pinagdaanan man ay malala, hinding-hindi na 'to magigiba (Hey)

Pagmasdan mo ng maigi ito, mikropono'y pinababaga

[Pre-Chorus: Rhyne & Droppout]

Gawin mo lang lahat ng mga gusto mong gawin

(Gagawin lang, gagawin lang)

Gusto mong gawin (Yeah)

Gawin mo lang lahat ng mga gusto mong gawin

(Rekta sa Calle Con)

Gusto mong gawin (357 Pro!)

[Chorus: Rhyne]

Dami mang pahirap sa daanan ko tuloy pa rin ako (Oh, oh)

Mga negatibo na naririnig ay isinantabi ko 'to (Oh, oh)

Walang makakaawat, gano'n pa rin

'Di nagbago mga nais na abutin

Dami mang pahirap sa daanan ko tuloy pa rin ako (Oh, oh)

[Verse 2: Omar Baliw]

Antimano kada plano merong hahadlang

Pero panis lahat kahit minsan lakad lang

Ako ay dumating, last minute, umabot din

Aking misyon turuan ang lahat humakot din

Sabay sabay, walang naiwan, lahat ay may tira

Walang bilib, akala nila ulo ko'y may sira

Napapraning kasi pangarap ay nakakalula

Ikaw lang ang kukuha, walang makakahula

Sagradong enerhiya lang ang pinapasa

Kung negatibo bitbit niyan ay binabasag

Mga sinulat ko, 'yan dapat binabasa

Omar baliw po, utak niyo ay ginahasa

[Pre-Chorus: Rhyne & Omar Baliw]

Gawin mo lang lahat ng mga gusto mong gawin (Alam nyo na)

Gusto mong gawin (Omar Baliw po)

Gawin mo lang lahat ng mga gusto mong gawin (Yeah)

Gusto mong gawin