Released on May 5, 2021

Thumbnail

[Chorus: Ochomil & Rhyne]

Aaaaaahhh

Makktown!

Aaaaaahhh

Makktown!

Aaaaaahhh

Makktown, Makktown!

Aaaaaahhh

Makktown!

Tenga ihanda na, Speaker ikonekta

Makinig at enjoy-in mo lamang ang beat (4x)


[Verse 1: Droppout]

Dati binuburn pa 'to sa CD-R King

Tapos papabayuhin sa paboritong parking lot

Sabay iskor sa may convenience store ng juice at gin

Pero ngayon sa isang pindot makakarating

Hanggang sa kabilang dimensyon ng imahenasyon

Habang pinaplano sunod na atake sa misyon

20-20 vision may konting revision

Ngayong 20-21 'di na tatalab 'yung

Mga parinig ng mga walang bilib

Kasi minsan ka na daw tumagilid, hey!

Checkirawt bagong Droppout, 'di basta tatap-out

Daming bago still never chasing that fucking clout

'Di mahahapo kasi to'y tatabo

Upang maging malinaw dati na malabo

Perang mabaho at mula sa digital kukunin

Ng bilog na 'to na hindi n'yo kayang bilugin


[Chorus: Ochomil & Rhyne]

Aaaaaahhh

Makktown, Makktown!

Aaaaaahhh

Makktown!

Tenga ihanda na, Speaker ikonekta

Makinig at enjoy-in mo lamang ang beat (4x)


[Verse 2: CLR]

'Di pakakahon lang sa melodic flow

Punch line ay 3 hit combo, Golota low blow

'Di lang sa Jaw lalapat 'tong mga linya ko

Pagpumunto na ko, wa na koy labot ninyo

Pero 'di 'yun mangyayari, Pass sa issue nyo pare

Galit na galit ang mga tigang

Animo'y inagawan ng babae

Pano ko nasabi?

Nung niligawan ko yung kultura n'yo. wala na kayo non'

Ngayon anlakas na ng tama nya sa'kin, ako pa tong mali?

Ano kayo bali?

'Di naman kayo taga dito ba't parang mukha kayong makati

'Di na kayo makakaisa pre

Ngayong nag glow-up sya sa'kin ba't bigla kayong nagkaroon ng pake?

Halatang manggagatas 'to

'Di makakasalok dito kung hindi ka rin papatas bro

Sa beat ni Ocho dinig mo ang boses ko

Pakihimay ng mga letra dyan sa speakers mo


[Chorus: Ochomil & Rhyne]

Aaaaaahhh

Makktown, Makktown!

Aaaaaahhh

Makktown!

Tenga ihanda na, Speakеr ikonekta

Makinig at enjoy-in mo lamang ang beat (4x)


[Verse 3: Rhyne]

Yo! Sa'min ka makinig, 'wag sa walang bilib

Lalo na sa hatе 'wag kang padaig

Itodo ng 'yong marinig, nais kong ipabatid

Ewan ko na lang kung 'di ka mayanig

Sa'ming gawa at nilikha namin na musika

Ibang lebel na 'to 'lika wag ng pahuli pa

Mga may ayaw halatang napag-iwanan na

'kala nila sa kakahila may mahihita

Makktown lahat dito merong tira

Kayang tumagos kahit sa makabagong era

Pukpukan ng bunbunan 'to kaya bawal ang mahina

'di rin pwede ang makupad kaya ang paghinto ay 'di na

Dapat ginagawa wala kang mapapala

Itigil ang pag-ngawa

Nang 'di na muling mapag iwanan sa baba

Tuloy ang lakad ilang beses ka man na madapa

Hanggang makapa, gawin, kilusan mo at 'di lang basta puro salita


[Chorus: Ochomil & Rhyne]

Aaaaaahhh

Makktown, Makktown!

Aaaaaahhh

Makktown!

Tenga ihanda na, Speaker ikonekta

Makinig at enjoy-in mo lamang ang beat (4x)


[Verse 4: Omar Baliw]

Ugh, Makktown, alam nyo na nag-aapoy

Sunog lahat walang bilib, ngayon nangangamoy

Unti-unting natutupad kwentuhan sa inuman

At kahit sa'n man makarating dapat may lingunan

'Di nakalimot, alam mo saan naggaling

Babalik pa rin sa Pembo saan man galing

Dito nagmula, dito nagpunla

'di 'to natumba kaya kalmado dito napunta

Ugh, Omar Baliw po ngayon legendary

Pamilya tapos pera secondary

Ugh, salamat lang din sa'king buhay

Ito'y regalo hanggang hukay

Kaya pangako palagi lang na gagalingan

Kikilusan lang palagi 'di na magdadahilan

'Di mapapatabi 'yan, 'di magpapa-api 'yan

Sagadan hanggang dulo, umaga hanggang sa gabi 'yan


[Chorus: Ochomil & Rhyne]

Aaaaaahhh

Makktown, Makktown!

Aaaaaahhh

Makktown!

Tenga ihanda na, Speaker ikonekta

Makinig at enjoy-in mo lamang ang beat (8x)