Dosena

By Nethel

Released on August 29, 2025

Thumbnail

Isang dosena mang rosas

Ubusin man ang oras

Saglit lang 'di masuyo

Ang pag giliw kukupas

Sundalong umaawit

Duwag namang lumapit

Tutulo na ang luha

Di maitago ang sakit

Nagkakalabuan

Pati na paningin

Nawawala na nga

Ang ating pagtingin

Mapapaalala pa ba

Sa ating dalawa

Ang pag-ibig na

Tinatanggihan na?

Tayo'y tumakbo sa buwan

Kalagan ang ulan

Dun ko lamang mababawi

Ang nakaraang nanaig

Ang pusong sayo'y pumipintig

Kahit silakbo ng minsan

Hangang kasawaan

Kung may mahal na

Bakit tayo ang naguguluhan?

Ipinagpalit, hinahangad namang

Muli't muli

Yayayain kang lumabas

Na para bang 'di nag wakas

Ang ating mga damdamin

Nang taong nakalipas

Sinubukan mang kumapit

'Di na natin mapipilit

Pangarapin mang mabalik

'Di na na'tin makakamit

Nagkakalabuan

Pati na paningin

Nawawala na nga

Ang ating pagtingin

Mapapaalala pa ba

Sa ating dalawa

Ang pag-ibig na

Tinatanggihan na?

Tayo'y tumakbo sa buwan

Kalagan ang ulan

Dun ko lamang mababawi

Ang nakaraang nanaig

Ang pusong sayo'y pumipintig

Kahit silakbo ng minsan

Hangang kasawaan

Kung may mahal na

Bakit tayo ang naguguluhan?

Ipinagpalit, hinahangad namang

Muli't muli

Aaminin bang nagkamali

O biglang babawi?

Hindi ba't kay hapdi?

Mapapaalala pa ba

Sa ating dalawa

Ang pag-ibig na

Tinatanggihan na?

Tayo'y tumakbo sa buwan

Kalagan ang ulan

Dun ko lamang mababawi

Ang nakaraang nanaig

Ang pusong sayo'y pumipintig

Kahit silakbo ng minsan

Hangang kasawaan

Kung may mahal na

Bakit tayo ang naguguluhan?

Ipinagpalit, hinahangad namang

Muli't muli