Pag nakikita kang labis ang saya
Napapaisip kung tama ba na umibig ka
Sa tulad kong mundo’y dulot ay kaba
O mali ba na mahalin kita?
Kung may isang bituin sa mundo
Ako ay pagbigyan mong hulihin
Ang ningning ng puso nitong
Takot umibig sa’yo
May ulap at ulang parating
Matatago ba ang pagtingin
Sa kalawakan ng damdaming
Inaabot ang langit?
At sa gabi, dingin kaya ang dalangin
Ng gaya kong ikaw lang
Ang tanging hiling?
Mahirap na yakapin ka
Nang parang hangin
O mali ba na mahagkan kita?
Kung may isang bituin sa mundo
Ako ay pagbigyan mong hulihin
Ang ningning ng puso nitong
Takot umibig sa’yo
May ulap at ulang parating
Matatago ba ang pagtingin
Sa kalawakan ng damdaming
Inaabot ang langit?
Langit ang nadarama
Langit ang nadaramang kaba…
Kung may isang bituin sa mundo
Ako ay pagbigyan mong hulihin
Ang ningning ng puso nitong
Takot umibig sa’yo
May ulap at ulang parating
Matatago ba ang pagtingin
Sa kalawakan ng damdaming
Inaabot ang–
Kung may isang bituin sa mundo
Ako ay pagbigyan mong hulihin
Ang ningning ng puso nitong
Takot umibig sa’yo
May ulap at ulang parating
Matatago ba ang pagtingin
Sa kalawakan ng damdaming
Inaabot ang langit?
Inaabot ang langit…
Inaabot ang langit