Tanto

By NEO (PH)

Released on September 26, 2024

Thumbnail

[Verse 1: Ryu, Luiz, Blue, Dawn]

Narito ako kung sa'n

Oras kay bilis dumaan

Ina-alala ko lang naman

Panahong tila walang hanggan

Kislap ng iyong mga mata’t

Hawak-hawak ang iyong kamay

Sa mundo na 'ting binuo

Ikaw pa rin, Ikaw pa rin

Binulong sa bituin

Sigaw ng damdamin

[Pre-Chorus: Ryu, Dawn]

At sa ngayong gabi

Ito ang tangi kong ~ hiling

[Chorus: Jem, Dawn]

P'wede bang oras ay ihinto

Iikutin muli ang mundo na 'ting binuo

Sa isip ay hindi ko matanto

Kung bakit sa huli

‘di nagtagpo

[Verse 2: Luiz, Blue, Jem, Dawn]

Bumalik na naman ako

Sa'ting dating tagpuan

Inaalala, sandaling kala’y walang wakas

Bawat salitang iniwan at sandaling kinalimutan

Binabalik-balikan

Ikaw pa rin, ikaw pa rin

Binulong sa bituin

Sinigaw ng damdamin


[Pre-Chorus: Ryu]

At sa ngayong gabi

Ito ang aking hinihiling

[Chorus: Dawn, Jem]

P'wede bang oras ay ihinto

Iikutin muli ang mundo na 'ting binuo

Sa isip ko’y hindi na matanto

Kung bakit sa huli

‘di nagtagpo

[Bridge: Blue, Dawn, Luiz, Jem]

Tatalikuran, palalampasin

Ba ang pinagsamahan natin?

Pipilitin ko pa ba?

Kumapit sa ’ting dalawa

[Chorus 2: ALL, Dawn]

P'wede bang oras ay ihinto

At paikutin muli ang mundo na 'ting binuo

Sa isip ko’y hindi na matanto

Kung bakit sa huli

‘di nagtagpo


[Post-Chorus: Jem]

Kung oras nati’y dating huminto

Tibok ng puso ko’y tutuloy sa pagtakbo

Ang isip ko’t damdamin, ngayo’y napagtanto

Handa na ‘ko sa ’king, susunod

Na yugto