Param

By Mundane PH

Released on November 28, 2025

Thumbnail

Verse 1:

Kay daling maligaw sa kahapong di nagpaparam

Pilit kong tinatakbuhan

Ngunit ikaw ang laman

Ng kada pasilyo at ng ngiti mo

Tanglaw ng aking mundo

Dating pasyalan, walang nagbago

Bakit naliligaw na ako?

Chorus:

Bawat hakbang, bawat baitang

Naroon ka at iyong alaala

Verse 2:

Sana 'sing dali kung pa'no ako napaibig

Ang masanay na wala ka sa aking daigdig

Dating pasyalan, walang nagbago

Bakit naliligaw na ako?

Chorus 2:

Bawat hakbang, bawat baitang

Naroon ka at iyong alaala

Ang nakaraan ang paborito kong tagpuan

Naroon ka at iyong aalala

Bridge:

Dating pasyalan, lumang sinehan

Saan maghahapunan? Sagot kahit sa'n

Byahe sa EDSA, traffic sa Alabang

Naroon ka, naroon ka

Last Chorus:

Bawat hakbang, bawat baitang

Naroon ka at iyong alaala

Ang nakaraan ang paborito kong tagpuan

Naroon ka at iyong aalala

Kahit saang sulok ng kalawakan

Naroon ka at iyong alaala

Kahit saan

Kahit saan

Kahit saan