Titig

By MC Einstein

Released on December 15, 2019

45K Views

Thumbnail

[Intro]

Haftway house, you know what I mean?

[Verse 1: Flow G]

Ewan ko kung pa'no ko bibitbitin

'Yung pagtingin ko kasi kung hanggang tingin lang ay bitin (Ooh)

Ayoko rin naman 'to kimkimin

Kaso mukhang hindi ko pa rin 'to sa'yo kayang banggitin

At baka isnabin mo lang at 'di mo pansinin

Bitin kahit na empi, beer at gin ang inumin

'Yung tapang ay wala pa rin, sa'n ko hihiramin?

Kahit maglasing wala rin kung paggising ko duwag pa rin

Pa'no sasama kung hindi ako nag-aaya?

Pa'no tatama kung hindi ako tumataya?

Minsan iniisip ko na 'wag na lang kaya

Kaso 'yung isip ko ay nagbabago din maya-maya

At sobra sa pag-asa, kulang sa kumpyansa

Kaya mukhang malabong magkatyansa (Tyansa)

Gusto ko lang naman ay maging Popoy mo, Basha

'Yan ang matagal ko nang pantasya

[Chorus: MC Einstein]

Matagal na kitang sinusundan, tinititigan at hindi maiwasan

Na ikaw ay 'di tignan sa malayuan

At pinag-iisipan ko kung anong paraan

Para ikaw ay malapitan kaso malayo ang pagitan

Hanggang kailan kaya mag-aabang kung may mapapala? (Oh)

Sa'king ginagawa na pagka tumaya ay 'wag mapahiya

[Verse 2: Yuridope]

'Di lang ako kumikibo, matagal nang tumitibok

Ang puso ko para sa'yo kaso minsan kumikirot (Woo)

'Di ko kasi masabi, 'di ako umaarte lang

'Di ko lang alam kung papaano aatake

Kasi baka naman ako ay tablahin

Kaya tinatak sa isip ko na 'wag nang tangkain

Panaginip lang lahat ng 'yon ako ay tampalin

Para gising na 'ko tamang panahon aantayin ko na lamang

Kasi wala naman masama sa magtyaga (Woo)

Kung para sa akin ka, eh 'di mag-aabang ako hanggang sa merong mapala

Kaso wala naman magaganap lalo't 'pag wala akong ginawa

'Tsaka baka mamuti lang ang mata 'pag nag-antay ng himala (Oh)

'Di naman malabo na mapansin mo 'ko kapag 'di ako nagtatago

Kailangan ko lamang na maging matapang kung gusto ko na magka-tayo

Wala naman kasing ibang paraan kung sa takot ay magpapatalo

Kawawa lang ako puro lang tingin sa malayo, kailangan ko ng pagbabago kasi

[Chorus: MC Einstein]

Matagal na kitang sinusundan, tinititigan at hindi maiwasan

Na ikaw ay 'di tignan sa malayuan

At pinag-iisipan ko kung anong paraan

Para ikaw ay malapitan kaso malayo ang pagitan

Hanggang kailan kaya mag-aabang kung may mapapala? (Oh)

Sa'king ginagawa na pagka tumaya ay 'wag mapahiya

[Verse 3: Jekkpot, MC Einstein]

Kay tagal na din pala kung iisipin mo

Kaso hindi mo pala 'to alam, sinong sisisihin ko?

Kung 'di sarili ko na labis ang takot na baka mapahiya lang

Torpe man akong ituring ay wala akong pakialam

Sa sasabihin ng mga hibang na walang pake sa nararamdaman

Sana hindi iyo 'tong maramdaman na mahal kita nang hindi mo alam

Nabihag mo kasi ganda mo pang-fantasy

'Yan ang pinoproblema ko, ako ay simple lang kasi

Pa'no ba kita mapapa-ibig? (Mapapa-ibig)

Sa mga mata'y 'di makatitig ('Di makatitig)

Baka diskarte ko magkaloko-loko

Kaso hindi ko na mapigilan na ika'y ma-solo ko (Masolo ko)

Sa pa'nong atake kita makakausap? (Makakausap)

Hindi ko mawari baka ika'y magulat (Baka ika'y magulat)

'Pag ako'y lumapit na kaba sa dibdib ko'y matik na

Nais ko lang ay malaman mo na noon pa man ay matagal na kitang

[Chorus: MC Einstein]

Matagal na kitang sinusundan, tinititigan at hindi maiwasan

Na ikaw ay 'di tignan sa malayuan

At pinag-iisipan ko kung anong paraan

Para ikaw ay malapitan kaso malayo ang pagitan

Hanggang kailan kaya mag-aabang kung may mapapala? (Oh)

Sa'king ginagawa na pagka tumaya ay 'wag mapahiya

[Outro: MC Einstein]