Salamat

By Lonerd

Released on September 23, 2020

Thumbnail

[VERSE1]

Ilang beses kang tinalikuran

Ilang beses kang tinakbuhan

Sa kasalanan 'di ako makaahon

Sinayang binigay mong pagkakataon

Apat na taong nagpakulong

Kasinungalingan na laging bumubulong

Mga kahapong nasa loob lang ng kahon

Hinanap ang sarili ng ilang taon (taon)

Malawak na espasyo unting sumisikip

Halakhak ng kapitbahay 'di ko gustong marinig

Kung ano-ano nalang ang laman ng isip

Sumasabay na nga ang aking bibig

Tiyansa kong mabuhay ay lumiliit

Ang alam ko lang sa patalim ay kumapit

Marami ang tanong nagsimula lahat sa bakit

Bakit, ang pangit ba't ganito aking sinapit

Takbo ng utak alam kong hindi na normal

Sumbat ng isip wala sa'king nagmahal

Naririnig na mga tawa ng 'di ko nakikita

Ang pag-iisip ay pasok paba sa tama?


[Chorus]

'Di matutumbasan ng pasasalamat

Pag-ibig mong bukod tangi sa lahat

'Di man ako karapatdapat

Minahal mo parin ako at tinanggap


[Verse2]

Tinalikdan at pinagtawanan

Ng mga taong kala ko'y tunay na kaibigan

Paano ko nga ba ito matatakasan?

Subukan kayang kumapit sayo ng walang atrasan

Nakakabinging katahimikan

Sa pagitan ng pagtatalo ng puso't isipan

Malulubhang sugat ng nakaraan

Tinatakpan ang butas ng kakulangan

Masakit na salitang tumatak sa bunbunan

'Di ko pinangarap madala sa libingan

Inakala na, lahat na ang nang iwan

Nandyan Ka lang pala tunay kong kaibigan

Salamat sa pag sagot ng aking mga tanong

At sa tiyansang binigay opang ako'y makabangon

Inahon mo sa malalim na balon

Ang dating nilamon puno ng pagpapala't biyaya ngayon


[Chorus]

'Di matutumbasan ng pasasalamat

Pag-ibig mong bukod tangi sa lahat

'Di man ako karapat-dapat

Minahal mo parin ako at tinanggap .


[Verse3]

Kung dati pilit kong niloko ang sarili

Ayos ang lahat yan makikita sa ngiti

Ngayo'y wala ng tinatagong pighati

Bigat at pasakit ay kanya ng pinawi

Araw man o ulan tuloy sa paglalakad

Hakbang na pinili tungo sa reyalidad

Pinatawad mo sa lahat ng kamalian

Kasalanan pati na mga pagkukulang

Tunay ka ngang gabay ng mga taong naligaw

Salamat sa pagdinig ng aking mga sigaw

Dating 'di makagalaw na para bang natutunaw

Pagpupuri't pagsamba sinabayan ng pagsayaw

Sayo isinuko ang buhay na magulo

Hinango mo ang mga kasalanan ko

Nilinis katauhan ko't ginawa mong bago

Lahat ng pagpuri ay karapatdapat sa iyo


[Chorus]

'Di matutumbasan ng pasasalamat

Pag-ibig mong bukod tangi sa lahat

'Di man ako karapat-dapat

Minahal mo parin ako at tinanggap .