ATBP.

By Lo ki

Released on February 14, 2018

14K Views

Thumbnail

[Verse 1]

Sa ilalim ng takip-silim kung saan tayo ay naroon

Nakulong ng higit sa tatlong oras sa malamig na kahon

Kamisetang pula ay bagay sayo lalo na at wala kang damit pangloob

Kakulay ng ilaw na 'di naman nakakasilaw pero nakakasabog

Malamig na gabi, pinataas mo ang temperatura

Init ng iyong katawan ay higit pa sa kaligayahan na pwede mong makuha

Tara't pausukin ang berdeng gayuma, isipin na nakakagulo ay isantabe mo na muna

Tabletang sagrado na may nakahalong sikretong laman nakakakilig

Ay katerno ng boses mo na may kasamang pag-ungol na kay sarap marinig

Mula sa leeg, mga halik mo papuntang ibaba

Patungo sa gubat kung saan ay masukal na merong halimaw na nakawala


[Chorus]

Ibang-iba ang nadarama ko kapag kasama ka

Para tayong nasa langit dalawa

Tikman na natin ang sopresa kong dala

Alak, usok, at iba pa


[Verse 2]

Pabango mo na kumapit sa unan, nakakahumaling ang halimuyak

Usok sa lalamunan kasabay ng hangin kapag binuga parang ulap

Marahil ako'y nasa langit na yata habang mata ay mabigat ang talukap

Nasa langit dahil may anghel na kasama na pwede ko pang makausap

Alak, usok, at iba pa

Sa dalawang nagmamahalang puso ay may mahika na kahit na

Sinong guro pa sa matematika 'di masusukat ang timbang ng salitang mahal kita


[Chorus]

Ibang-iba ang nadarama ko kapag kasama ka

Para tayong nasa langit dalawa

Tikman na natin ang sopresa kong dala

Alak, usok, at iba pa

Ibang-iba ang nadarama ko kapag kasama ka

Para tayong nasa langit dalawa

Tikman na natin ang sopresa kong dala

Alak, usok, at iba pa

Alak, usok, at iba pa

Alak, usok, at iba pa

Alak, usok, at iba pa


[Outro]

Kapag hindi kita kasama ay wala ring halaga