[Verse 1]
Isa, dalawa, tatlo
Ang puso ko'y nilalaro
Damdami'y pilit tinatago
Baka naman kasi ako lang ang may gusto
[Pre-Chorus]
Kilos mo'y 'di maintindihan
Sa'kin lang ba o sa lahat?
Ika'y ganyan
[Chorus]
Tagu-taguan
Mga motibo'y maliwanag pa sa buwan
Pakisabi naman
Kung may pahiwatig o sadyang delusyonal?
[Verse 2]
Pagbilang ko ng tatlo
Susubukan nang aminin sayo
Kaso ako'y nangangamba
Baka sa kwento nating dalawa
Ako lang mag-isa
[Pre-Chorus]
Kilos mo'y 'di maintindihan
Sa'kin lang ba o sa lahat?
Ika'y ganyan
[Chorus]
Tagu-taguan
Mga motibo'y maliwanag pa sa buwan
Pakisabi naman
Kung may pahiwatig o sadyang delusyonal?
[Interlude]
[Bridge]
Ba't ba manhid at 'di mo mahalata?
Mga kilig sa simpleng mong salita
Tanging hangad ay kamay mo, sinta
Mali bang pangarapin ka?
[Chorus]
Tagu-taguan
Mga motibo'y maliwanag pa sa buwan
Pakisabi naman
Kung may pahiwatig o sadyang delusyonal?