Released on February 1, 2025

Thumbnail

Di alam na naiwan na

Di alam kung ba't andyan ka pa

Tanginang 'yan

Hinayaang maiwanan

Di na nakikipag-unahan

Laging tulala

Tila ba dumudulas na naman ako palabas sa 'king binuong sirkulo

Mga panalangin ko sa hangin, sa gabing malalim, ama namin, pahingi akong simbolo

Sumisigaw, "walang iba kundi ikaw" ang sabi sa 'kin ng isa ko pang idolo

Pa'no kung lahat ng mga 'to ay nasa ulo ko lamang, sulatan ko kayang kanta, ano'ng titulo

Ang pwedeng gamitin, painitin agad ang koro

"Mas matalim sumugat ang utak kesa sa bolo"

Ngunit no'ng nagkulang, sakit ko ang pinagkunan ko ng tono

Do'n ko natutunang mag-abono

Kung kabaliktaran ang napiling iulat

Mariing sinulat ang magiging resulta't

Kalalabasan ng aking malikot na utak

Langit na kulay-dugo at madilim na gubat

Sa dami ng aking mga hindi akalain

Ay nagawa kong yakapin ang masamang pangitain

Marahil di ko kayang tiisin, at palipasin

Ang araw nang di iniisip na ako'y mamalasin

Napunta sa pinakatahimik na bahagi ng aking yugto

Habang ang mga mata ay palaging mugto

Kalungkutang malugod kong hinahatid-sundo

Nakaapak ang dalawang palad sa lapag

Bilang bata, di ako marunong mapagod

Pagbagsak ng dalawang lagalag

Nakarinig ako ng tinig sa radyo't

Pinakiusapan ang may-ari na palakasan

Pinakinggan hanggang sa maramdaman

Pinakilala sa 'kin ang pag-ibig, di ko mapigilang di awitin kahit di ko na matandaan

Di alam na naiwan na

Di alam kung ba't andyan ka pa

Tanginang 'yan

Hinayaang maiwanan

Di na nakikipag-unahan

Laging tulala

Ang pinapahiwatig, simula no'n, nawala sa aking katawan ang

Taglay kong ligalig, dala ng matatalinghagang bagsakan

Na bibig lang ang gamit, abot sa langit ang bilib, daig ko pa ang mga

Kalapating nadagit, wala na 'kong takas, wala nang pangkapit, malapit nang mabaliw dahil

Sa musikang narinig, nalaman kong ito ang aking gusto

Mabilis man o mabagal, kayang-kayang paghusayan nang husto

Bawat likod ng kwaderno, laging may berso, may sariling mundo

Kahit saan man ang pwesto, mainit o presko, gano'n pa rin ang pulso

Sabi ng mi unico amigo, ‘bakit di natin subukang sumugal na para bang casino?’

‘Ako na ang bahala sa beat mo, ang kailangan mo na lang ay bumuo ng malupit na ritmo’

‘Di ba malapit ka sa peligro, kaya mong dalhin kahit saan ang kamalasan at delubyo?’

Tila sampung salot sa Ehipto, lirikal at literal na magliliyab ang studio

Sinalangan ng sakripisyo, puro lang pangarap ang naging bisyo

Inilawan ng talino ang anino ng aking lumalaking ego

Kapag inihipan na ang silindro, pakigising na ang ministro

Dasalan ang mga laspatangang nilalang dahil parating na ang huling Antikristo

Di alam na naiwan na

Di alam kung ba't andyan ka pa

Tanginang 'yan

Hinayaang maiwanan

Di na nakikipag-unahan

Laging tulala