Released on December 9, 2023

Thumbnail

Di mo kailangang matakot

Ang isip ko’y napapadpad lang palagi sa laot

Sa makasariling kaluluwa’y naging madamot

Ngumingiti lang ‘pag ang panaho’y nakasimangot

Lumaya sa lungkot, pinatawad nang ilang ulit

Sumulat sa papel kahit pa may lukot at punit

Walang limitasyon kaya lumalagpas sa guhit

Napagtantong walang pinipiling bigat ang lubid

Hilamos, ang dami kong tulang hindi natapos

Tagpi-tagpi ang mga pangungusap na inagos

Na ng ilang dagitab para lamang makaraos

Bulong hanggang ang boses ko sa utak ay mamaos

Mata’y nakapiring ngunit malayo ang tingin

Sobrang labo ng mundo, malinaw lang sa salamin

Bulag na ba ‘ko o wala lang talagang bituin

Magkita na lang tayo ro’n sa kabilang gitling

Minsan ang lungkot ay napapalitan ng galit

Patawarin mo ako sa bawat paglayo’t paglapit

Di ko man maunawaan ang lahat subalit

Pipilitin ko pa ring hindi magalit

Minsan ang lungkot ay napapalitan ng galit

Patawarin mo ako sa bawat paglayo’t paglapit

Di ko man maunawaan ang lahat subalit

Pipilitin ko pa ring hindi magalit

Binibilang ko sa daliri kung ilang beses nangyari

Kulang ang kalendaryo ‘pag sinama pa yung dati

Akala ko lahat ng emosyon ko ay balanse

Mali palang maging panatag ‘pag naging kampante

Araw-araw may isang naiiwang patlang

Sapat ba ang pag-ibig na walang pakiramdam

Kung para sa pagmamahalan na walang hanggan

Handa kang masaktan kahit gaano kagaspang

Kausap ang kwaderno, tuyong-tuyo ang labi

Kapag tungkol sa’yo, di man lang nangangalahati

Ngunit kailangan ko ang ‘yong pagpuri at pagbati

Nabubuo lang tayo ‘pag merong taong kahati

Inabusong panulat, at pusong nilagari

Mukhang nawawalan na ng kontrol itong may-ari

Nagbago ng anyo, naging halimaw na ang hari

Ika’y nanatiling alipin ng pangit kong ugali

Minsan ang lungkot ay napapalitan ng galit

Patawarin mo ako sa bawat paglayo’t paglapit

Di ko man maunawaan ang lahat subalit

Pipilitin ko pa ring hindi magalit

Minsan ang lungkot ay napapalitan ng galit

Patawarin mo ako sa bawat paglayo’t paglapit

Di ko man maunawaan ang lahat subalit

Pipilitin ko pa ring hindi magalit

Mga kasalanang hindi pinag-isipan

Kanino ka nagmana, ano’ng pinanggalingan

Masyado kang matapang, wala ka namang bilang

Nagmamaang-maangan, naggagaling-galingan

Nahihirapan dahil maraming butas ang plano

Normal ako, di ko kailangang maging kalmado

Di ko kailangan ng tulong, di ko kailangang magbago

Di ko kailangang buksan ang palaisipang kandado

Natatakot sa liwanag na tila takot makuha

Ilang taong hinayaan ang sarili magdusa

Hindi man lamang pinayagang maghilom nang kusa

Tinitiklop palagi ang sugat bilang parusa

Gabi-gabi ang away, sakitan, at murahan

Pinipilit na lamang matulog nang luhaan

Kunwari’y di naririnig at wala ‘kong muwang

At aasa na bukas, pakiramdam ay gumaan

Mga napanood ko’y pawang kasinungalingan

Hinanap ko ang pamilyang nagkakaintindihan

Bata lang akong sinusubok ng kamalian

Mga galit nya sa buhay, ako ang pinagbalingan

Kapag pinagalitan, may nginig na sa kamay

‘Pag may mabait sa ‘kin, parang di ako sanay

Buong kasiyahan ng pagkabata’y natangay

Sa mura kong edad, nag-iisip nang mamatay

Kinulang sa gabay, nakatanim na sa sentido

Galit lang ang nagiging sagot kong epektibo

Hanggang sa tumanda, mas lumala at naging pilyo

Lalo no’ng matutunang uminom at manigarilyo

Nagbunga ng isang makatang ubod ng lungkot

Bente singko anyos na may galit at poot

Wala ‘kong sinisising kahit sino, ‘yan ang totoo

Kailangan ko lang ng tulong, pasensya na kayo

Minsan ang lungkot ay napapalitan ng galit

Patawarin mo ako sa bawat paglayo’t paglapit

Di ko man maunawaan ang lahat subalit

Pipilitin ko pa ring hindi magalit

Minsan ang lungkot ay napapalitan ng galit

Patawarin mo ako sa bawat paglayo’t paglapit

Di ko man maunawaan ang lahat subalit

Pipilitin ko pa ring hindi magalit