BUHAY (Special Version)

By Lenin (PH)

On STOICALLY FADING

Released on December 9, 2023

Thumbnail

Ito ang buhay namin

Mga alikabok lamang sa hangin

Pangakong kinapos sa panalangin

Hanggang sa'n ang walang

Hanggang sa'n ang walang hanggan

Mga lason ng kahapon na kailangang maitapon

Gagawa ng panibagong kabanata para sa naglahong

Alaala ng kasanayan, kasabay ng paglubog ng kalayaan at kamalayan

Ay ang mga katawang buhay ang inaabot kaso kamatayan ang nakamayan

Sa dami ng pinaniniwalaan, nakalimutan na kung ano ang mas kailangan

Bukod sa kahirapan na mahirap iwanan, natutulog sa gitna ng panganib at kaligtasan

Pero ayos lang dahil wala namang makakapigil sa araw-araw na kilos ng maralita

Saka lamang matatapos ang lahat ng pagdurusang dinadanas 'pag di na sila makahinga

Ano'ng pwede mong gawin para sa kanila? subukan mong bigyan ng trabaho

Tapos ang sahod lang na magkano, tatlong araw bago maglaho

Mas mabilis pa sa alas-kwatro, tanungin mo pa kung paano

Sila tumatagal, diyan papasok ang pamemerwisyo ng ibang tao

Sige, pulutin niyo na 'yan, kitang-kita kong siya yung humablot ng wallet niya

Ano, papalag ka pa bang bastardo ka? Huling huli ka na sa kamera

E ano pa bang pagpipilian 'pag ang kalam ng tiyan ay di mabilang

Mabuting mabulok na lang sa kulungan, di rin naman 'yon mapagsisisihan

Ito ang buhay namin

Mga alikabok lamang sa hangin

Pangakong kinapos sa panalangin

Hanggang sa'n ang walang

Hanggang sa'n ang walang hanggan

Kung totoo man ang habang-buhay, kakaumay

Hinahangad na langit ng karamihan ay nasa gulay

Kung ayaw ng madilim, tumikim ng kabute, pampakulay

Pero kung gusto mong magpahaba ng sungay, magpakulo ng bato o talampunay

Bawat pagbalasa, mga kaluluwa'y umaasa sa magandang hanay ng baraha

Bumababa si kristo sa kanyang krus para lamang makitaya sa dalawang kara

Kaso minsan kahit na gaano ka kaangas, iiyak ka rin kapag napili ka ng malas

Para kang puno na sinisilungan ng marami pero ngayon, lahat ng dahon ay nalagas

Desperado na sa pagkakabusog, hindi na napansin na may nakaturok na lason sa mansanas

Pero sa kabila ng mga malagim na desisyon ay nagawa pa rin nila na makatakas

Malupet magtakip ng baho, parang mga graba sa simentong hinalo

Balewala lahat ng bumangga sa kapal ng mga kasalanang itinago

'Pag di marunong makuntento, kahit kelan ay hindi makakamit ang pagiging kumpleto

Maliban na lang kung isa ka sa mga pobre na ang buhay kalahati ng isandaang porsyento

Pwede kang sumugal, pwede ring hindi, sa huli, sa isang pintuan lamang ang diretso

Do'n mo malalaman na wala palang premyo, at walang daan na palabas ng impyerno

Ito ang buhay namin

Mga alikabok lamang sa hangin

Pangakong kinapos sa panalangin

Hanggang sa'n ang walang

Hanggang sa'n ang walang hanggan

Puro pagdurusa, puro pagdurusa na lang

Pera'y paubos na, pera'y paubos na naman

Dami nang panahong dumaan, gano'n pa rin ang mundo

'Pag nakausap mo 'yang diyos niyo, pakisabi na hindi ko 'to ginusto