Teka

Pakisabi hindi na muna ko babalik

Taliwas sa agos para sunod na kabanata

Ay kapanapanabik

San pupunta

Bat aalis

Sawa na malunod sa pekeng halik

Bakit ako

Masyadong nagmadali kaya nauna ako na pitasin

Ang dami namang bulaklak sa hardin

Lahat ng ulo nakatingala

Pag tumagal ay mangangawit din

Pagkatapos sayo titingin sa iba

Sa una lang ang halaga

Bayad sa buhay wala nang sukli

Bawat segundong nasayang mo ng dahil

Sa teka lang ay hindi na uulit muli

Kinakamuhian ang mukha ng nasa harap ng aking salamin

Kinalimutan ko sino siyang tunay kaya pinilit kong alamin

Natutunan ko siya na mahalin

Nagtalo man ang liwanag at dilim

Nilaban ko kahit hindi magaling

Sinunod ko kahit hindi ko dinig

Alam mo kase

Kape ng kape

Kape ng kape

Kape ng kape

Alam mo kase

Kape ng kape

Kape ng kape

Kape ng kape

Kahit saan ano sino ka pa

Isa lamang ang ating wakas ikaw lamang

May hawak ng oras wag nang ipagbukas

Wag mong sasayangin lanta na ang prutas

Ako'y malungkot pero di madalas

Swerte paminsan may oras ng malas

Alam ang palayaw hindi ang dinanas

Pinukpok ang bakal hanggang sa tumalas

Ganda ng tanawin sa aking bintana

Kaya 'ko tumakas

Ganda ng gupit

Tanong mo sino ang tumabas

Pagtulo ng luha sa aking pisngi ako lang ang pupunas

Pag sugat nalunas balat na may peklat ay di na kukupas

Patuloy magbago

Hanggang sa hindi mo na ako kilala

Sa dilim wag mo 'ko na takutin nasanay na akong kasama ko sila

Maligaw man sa gubat maaga namulat ako'y bihasa mag-isa

Lahat ng ngiti saking paligid taksil mga ahas baril kinasa

Anak papunta ka palang ako'y pabalik na

Balang araw maiintindihan mo din ang lahat

Malalaman mo pag wala na 'ko sa mundo

Kung bat magsisimba ka palagi kapag linggo

Sabi mo sakin gusto mong lumaki agad

Wag ka sakin magalit parang alam mo na lahat

Ngayon gusto mo lamang gawin muli maglaro

Ang reyalidad ng buhay ay napakagulo

Taking my time

Everywhere I go I- I shine

I know I'll be fine

Yung pretty boy going back in line

Taking my time

I was taking my time

Taking my time

Yeah

Taking my time

Taking my time

Oh

Just taking my time

Taking my time

Yeah

Just taking my time

Taking my time