Released on May 10, 2021

Thumbnail

[Chorus]

'Di na asang mapatawad mo pa

Dami nang maling nagawa

Sa sorry ko baka matawa

Dahilan kaya 'di na tinangka

Sorry na kasi hindi naman perpekto

Tao lang ako sadyang meron din depekto

Sorry na ulit mali kung 'di pa nakuntento

Sana tayo pa kung natutunan kong pumreno


[Verse 1]

Sadyang merong mga bagay tayong sa huli

Na pagsisihan kung uulitin pa ulit

Talagang matigas ang ulo, parang ayaw matuto

Madami nakapagsabi nakawawa ka sa dulo

Pero 'di nakinig ngayon sa'n pa 'ko pupunta

Kung lahat na sila parang gusto na 'kong isumpa

Mabilis nawala 'yung ikaw kaya tutungga

Na nangako hanggang sa sahig ay tumumba


[Refrain]

Para 'di na maalala pa mga bagay na sinayang ko

Nung ikaw ay nasugatan

'Di ka naingatan, lahat kasalanan ko

At alam ko na mahirap na

Na ako'y paniwalaan mo

Masakit din naman sa'kin 'to

'Yun ang gusto ko lang na malaman mo


[Chorus]

'Di na asang mapatawad mo pa

Dami nang maling nagawa

Sa sorry ko baka matawa

Dahilan kaya 'di na tinangka

Sorry na kasi hindi naman perpekto

Tao lang ako sadyang meron din depekto

Sorry na ulit mali kung 'di pa nakuntento

Sana tayo pa kung natutunan kong pumreno


[Verse 2]

Nahihirapan ka alam ko rin naman

'Di mo man sabihin 'yan

Alam ko ding umiiyak ka na naman

At ako ang dahilan

Gusto ko sanang patawanin

Kaso madalas pang paluhain

Puro galit ang naihain

'Di na magawa pang pahupain

'Di na binabalak na kuhanin

'Yung tiwala mo sa akin na inamin

Basta lagi na ingatan ang sarili

Pwede mo ba na gawin 'yon para sa'kin?


[Refrain]

Para 'di na maalala pa mga bagay na sinayang ko

Nung ikaw ay nasugatan

'Di ka naingatan, lahat kasalanan ko

At alam ko na mahirap na

Na ako'y paniwalaan mo

Masakit din naman sa'kin 'to

'Yun ang gusto ko lang na malaman mo


[Chorus]

'Di na asang mapatawad mo pa

Dami nang maling nagawa

Sa sorry ko baka matawa

Dahilan kaya 'di na tinangka

Sorry na kasi hindi naman perpekto

Tao lang ako sadyang meron din depekto

Sorry na ulit mali kung 'di pa nakuntento

Sana tayo pa kung natutunan kong pumreno


[Bridge]

Sayang 'di ko nagawang tuparin

'Yung pangakong 'di ka papaiyakin

Ngayon 'di na alam ang gagawin

Dahil 'di ka na sa'kin babalik

Dapat tayo pa sana, sana ulit

Dapat ako pa sana, kung nagpakabait

Dapat tayo pa sana, sana ulit

Dapat ako pa sana, kung nagpakabait


[Chorus]

'Di na asang mapatawad mo pa ('Di na)

Dami nang maling nagawa (Sobrang dami na)

Sa sorry ko baka matawa (Sorry, sorry)

Dahilan kaya 'di na tinangka

Sorry na kasi hindi naman perpekto

Tao lang ako sadyang meron din depekto

Sorry na ulit mali kung 'di pa nakuntento

Sana tayo pa kung natutunan kong pumreno


[Outro]

Sorry na kasi 'di naman perpekto

Tao lang ako sadyang meron din depekto

Sorry na ulit mali na 'di pa nakuntento

Sana tayo pa kung natutunan kong pumreno