Released on April 14, 2023

Thumbnail

[Verse 1: Vince, Punzie]

Gusto ba akong makita? Puso ko'y naging ulila

Wala na bang pagtingin? Iilawan ko ang 'yong dilim

Sa bawat pagkakataon na may sindi pa at may gamot

Tatangihan ko na, kailan pa nag-iba, mahal?

Hahanapin ko ang galawan mo

Damang-dama mula sa isip at panaginip ko

Ba't ba ganito ang pag-ibig mo?

Nakakalito, kung sa'n ako kakapit?

[Chorus: Fern, Obi]

Sa'kin ka lang

Hindi ko na kayang lumayo pa sa'yo

Hinding-hindi kita pababayaan

Matagal na tayong 'di nagtatagpo

At nasa'yo hanap ko tamis ng lambing mo

Labi mong nakakakaadik, babe, yeah, 'di ko kaya


[Verse 2: Obi]

Ayoko nang maghanap

Sulat mo sa puno yung pangalan natin, baby

'Di ko na maramdaman

'Yung feeling na naghahabol ako ng baby

'Di na 'ko nagdarasal

Pero pagdating sa'yo damang-dama ang langit

Tahan na dito na ako (Yeah, yeah, yeah)

Tahan na dito na ako (Yeah)

[Verse 3: Kiyo, Jorge]

'Di ka na maghihintay sa akin

Tama ang panahon kung gugustuhin

Tama ba na ang isa't isa ay buohin?

Kung tutuusin nandito na ba't 'di pa gawin

Kwento nating dalawa paboritong tugtugin

Sinangla kong puso walang balak tubusin

Oh, sige ng ibawal ang iba ikaw pa din

Pinapasok mo sa puso mo

Bubuksan ko ang mundo, oh

Baka sakaling kalimutan mo na 'yan

Nandito lang ako laging nag-aabang

Wala silang masabi ikaw lang ang lamang

'Yung para sa'tin tayo lang ang may alam

Nandito lang ako, 'di na lalayo

'Di ko kaya 'pag wala ka na sa piling ko

Ang akin ay sa'yo kasama puso ko, alam mo na 'yan

[Chorus: Fern, Obi]

Kaya sa'kin ka lang

Hindi ko na kayang lumayo pa sa'yo

Hinding-hindi kita pababayaan

Matagal na tayong 'di nagtatagpo

At nasa'yo hanap ko tamis ng lambing mo

Sa'kin ka lang

Hindi ko na kayang lumayo pa sa'yo

Hinding-hindi kita pababayaan

Matagal na tayong 'di nagtatagpo

At nasa'yo hanap ko tamis ng lambing mo

Labi mong nakakaadik, babe, yeah, 'di ko kaya