Released on February 3, 2023

Thumbnail

[Verse 1]

Kay tagal kang hinanap

Ang magpapabago ng lahat

Ngayon, isang iglap ay aking kaharap

Ang pinapangarap


[Chorus]

Simulan ang ating bagong yugto

Sa bagong mundo

Tayong dalawa, sabay patungo

Hanggang sa dulo

'Di man magbago'ng nakaraan

May nakalaang bukas

Puso'y ating buksan

'Di na muling masasaktan

Basta't tayo'y nagmamahalan


[Verse 2]

Wala nang dilim ang kahapon

Sumikat na ang araw ngayon

At kahit sa'n man tayo patungo

'Di na maliligaw, bawat daan, may ilaw

Ang liwanag ay ikaw


[Chorus]

Simulan ang ating bagong yugto

Sa bagong mundo

Tayong dalawa, sabay patungo

Hanggang sa dulo

'Di man magbago'ng nakaraan

May nakalaang bukas

Puso'y ating buksan

'Di na muling masasaktan

Basta't tayo'y nagmamahalan

Nagmamahalan


[Bridge]

'Wag mangamba ('Wag mangamba)

Dito sa 'king tabi (Dito sa 'king tabi)

Aking uulit-ulitin

Sa'yo ay sasabihing, "Ika'y nag-iisa lang"

Mahal, sa 'kin ay kumapit lang


[Chorus]

Simulan ang ating bagong yugto

Sa bagong mundo

Tayong dalawa, sabay patungo

Hanggang sa dulo

'Di man magbago'ng nakaraan

May nakalaang bukas

Puso'y ating buksan

'Di na muling masasaktan

Basta't tayo'y nagmamahalan

Basta't tayo'y nagmamahalan

Nagmamahalan