Released on November 25, 2023

Thumbnail

[Verse 1: Plazma]

Ito'y parusa na mas marahas pa sa pagsakal ng lubid

Aming presensya ay magpapakulo sa banal na tubig

Kami'y berdugong nakakapote, ika'y mananahimik na

Kapag umatake, garantisadong walang matitira

Malawakang sabotahe na hinding-hindi maduduplika

Eksperto sa garrote kaya makapagpigil hininga

Anumang stilo ay papaslangin, mapa-moderno o luma

Koponan ng Kamao ang bangungot ni Pedrong Krugga!


[Verse 2: BagongBata]

Yo, Bagongbata sa kasalukuyan, mga hula at katuparan

Mga letrang nagliliwanag na siyang sisilaw ng mangmang

Linyang aking nilalatag, bibiyak at maghihiwalay

Ritmong mag-aalog na parang lindol sa mga isipang naliligaw

Himig ko'y dala'y delubyo na maghuhugas ng mga kasalanan

Mensahe ay may dalang baha, pupuno sa paniniwalang kulang-kulang

Mga awit ko'y may handog ng punla at kamatayan

Gumugunaw ng kabuktutan, nagluluwal ng katotohanan


[Verse 3: Anygma]

Patingin-tingin lang kung sakali

Bingi-bingian sa mga hiling at pananalangin

Minimithi at binabawi, iniisip, sinasabi

'Sing-dali ng pahagingan, simpleng ihip ng hangin

Nakakapanliit na paghihiganti at paghihigante

Habang pinipilit na 'kay iniibig sa makasariling diskarte

Mang-aalipin sa halip na linisin ang pinanggalingang imahe

At pipiliin sa tanging hilig kung sinong mapapa sa

Amen


[Verse 4: BLKD]

Ang ulo ng dulo, ang walang hanggan

Ang ano ng paano, ang utos at dasal

Poong patotoong sa Pagano ay sampal

Ang sagot sa tanong na nagpasuko sa agham

Kalam ng kalamnan, nagkatas-kaalaman

Dunong at dugong sumugat ng kasulatan

Pampalawak-pananaw, talas ng kamulatan

Pagdilim ng paningin, wala nang paliwanagan!


[Verse 5: KJah]

Patikimin ng bala't dura ang dapat sa balahura

Ang bara ko at pluma, pambura sa balatuba

Astang dambuhala, tamang i-ngudngod sa burak

Mag-ibang ruta o bumalik nang may luha sa kuta

(Malalim ba?) O baka nasanay nang makinig sa

Mga tangang walang ibang ideya sa kung pano bumuga maliban sa ilusyon nila

O baka isa ka sa nautong para sa kanila ang delikwenteng patakarang agarang ipinasa

Karapatan nati'y ginagahasa, dahil sa tulad mo na bobo

Magbasa ka nga!


[Verse 6: Tatz Maven]

Yo, yo, YAWA

Yo

Kung puta itong buhay, papatayin ang kanyang bugaw

Para siya ay mapasa 'kin, aasawahin hanggang magunaw ang mundo

Para diyan pa rin ako sa bawat paglugmok niyo

Tatawanan nang buo

Kasi kala nauto niyo ang Yahwehyawa

Dugo ay lawa

Walang awa

Walang awat

Walang sawa

Sa pagsalang hanggang sa

Lahat ng pwedeng pinsala ay matamo

At ako na ang tawag sa takot sa mata mo


[Verse 7: Apoc]

Tanggal yang yabang mo kapag bumangga ka sa Kampo ng Kamao

Mga dala mong sundalo ay burado, sigurado, mala-Mamasapano

Mga tupa't mga tuta ay nabulag kaka-ungkat niyo sa burak

Kaya mga utak na makupad, 'di masukat aming sulat na pang-upak

Wala ipantatapat sa mga alamat sa paggamit ng tinta (tinta)

Kaya pala abala ang mga tanga sa pakana't pagpapabida (bida)

Lahat ng panggap sa pag-rap, masarap pagtirikan ng mga kandila (dila)

Pugot ang mga ulo na mga nagbabalatkayo pag gamit namin talas ng dila! (dila)


[Verse 8: Batas]

Batas!

Kung ginagalawan n'yong eksena, laging nakadepende

Sa kasikatan at pera, mas dadami mga peke

Mga nandito para gustuhin hanggang sa pwede

Ako'y nandito dahil 'to'y pagrerebelde

Kamay sa puso pero 'di ito panata

Dibdiban ko ng suntok, kamao tiyak tatama

Malabo kayong maghari parang kulang ang baraha

Korona ang hangarin kasi sakto sa panlasa


[Verse 9: Goriong Talas]

Linyahan ay diamante na di kayang patidin

Bali gamit na lapis, pag sumulat madiin

Nagpalit-anyong dating hayop sa paningin

Pag kasama mo'y halimaw, da't halimaw ka na rin!

Goriong bastunеro, sabik sa tuwing tatakal

Nagpatubo ng kalawang sa kamay na bakal

Sa pag-ikot ng mundo, ito yung nagpabagal

Kung may liwanag ang buhay, kami ang sasagabal


[Verse 10: Kemikal Ali]

Magdasal ka na sa Diyos mo

Sakaling 'di ka pinatawad ng mga nuno du'n sa punso

Bago tumigil ang paglukso

Ng malapot mong dugo kapag lumalapit na ang tukso

Pabugso-bugsong galit, 'di ginusto

Kasi nga tao lang, ang pang-unawa ay nalumpo

Hindi ka bagong sibol na sumulpot sa mundo

Perwisyo ka parang tumor, hindi agad masugpo!


[Scratches: DJ Arthug]

UPRISING! UPRISING!

UPRISING! UPRISING!

Koponan ng Kamao! Koponan ng Kamao!

Koponan ng Kamao! Koponan ng Kamao!


[Verse 11: Redrum]

Sa banal na aklat nasusulat: katawan ng tao'y sagradong templo

Kaya birhen ang alay sa 'kin ng handang mag-ambag sa kultura

Lahat magbubunga pag may basbas ang pinagpala

Sa hukay aagnas kalaunan, pataba lang sa lupa

Natutulog ba ang Diyos? Mahimbing at parang mantika

Nagtеtengang-kawali 'pag taimtim dasal mo sa misa

Nagtirik ka pa ng kandila, 'di napatawad

Pagpanaw, naging isang kaluluwang ligaw

Na walang narating sa rap


[Verse 12: Ilaya]

Walang Diyos, walang demonyo: ang meron ay ako

Walang sinasanto, pinupugutan ko ng ulo

Kinakalas ko ang kalansay ng hindi sumusunod

Tinataningan mga peste nang maubos na ang salot

Sampal ko realidad na magiging kapalaran

Biro ko'y tadhana at landas na gagapangan

Nanununog ng konsensya sa apoy na walang hangganan

Nagbigay ng buhay upang dalhin sa kamatayan


[Verse 13: Kregga]

Ako'y naging panginoon sa pinili kong landas

Naging mapagmatiyag, bawat bakas sa lupa at taas

Aking naging taga-sunod: mga sangganong pantas

Hawak-hawak palakol at puro sarado ang balbas

Baluti: balat ng toro!

Pang-huni: buto ng lobo!

Kapote: ulo ng oso!

Kawangis: tabon na tao!

Ginawa ka lang panggatong para lumiyab ka hoy

Sa dilim mo makikita kagandahan ng apoy


[Verse 14: Sak Maestro]

UPRISING

Tangina n'yo!

Ang hari'y kumakain ng ubas

'Yung prutas ay inani pa nanggaling kay Hudas

Pinanghawak pa ng kawal mga kamay niya na bakal

Pero yung pinagbabawal pala tanging panglunas

Sinabing may bukas?

Pwes, ako si Almabat, nagbalik para magbigay lunas

Nabiyaya si Bathala ng kapangyarihan panglikha sa kasawian

Kaso utin ko ang panakip-butas

Ang aking pamunas? Puta, buong sanlibutan

Pinaghahalay tapos tinamuran

Ang aking sumpa'y walang humpay na libog pati kahayukan

Ginahasa ko ang kahayupan

Hangad ko'y babuyan, walang respeto

Hayop at insekto'y, ginawang remedyo

Saka na 'ko titigil at makukuntento

Pag nakantot ko na ang putang gobyerno


[Verse 15: Emar Industriya]

Ibubuod sa isang dangkal na babasahin

Makakalaya sa koral sa pagsapit ng pagsingil

Sa pag-iisip na impakan tapakan ang baga sa talampakan lawakan

Kung mahahawakan maging ang kalayaan ay nagkamatayan!

Sa tindi ng pagkaka-bigti

'Di na tumindig ang igting

Pabalik ka mang kumanti

Bangungot sa idlip ng pumikit ay hindi na nagising

Magkasing tunog ang mga tulog na inakala'y hubog

Nasulasok sa usok silang nagsusunog, pinag-uuntog at kinulob

Ibubuod na naman

Luluhod ang bumubukod sa kamaong patalop ang taludtod

Malamang sa malaman, kaalaman ang patamaan


[Verse 16: Kensa]

Sa pagsasalubong ng langit, lupa, impyerno

Ito ang paghuhukom mula sa mga supremo

Susunugin ang kaluluwa

Bago pa makapatak ang luha, ang mga mata'y nakaluwa na

Bibitayin nang patiwarik ang mga kumikitang-kayamanan sa pakikipaghimagsik

Dagat-dagatang apoy, walang panaghoy, tiyak dugo n'yo titilabsik

Puro pa kayo mga nagbabait-baitang unggoy na lulong sa kapangyarihan

Na mas adik pa sa adik na may kinaaadikan

Tokhang! Aabutin n'yong mga hari-harian

Kaya matauhan na kayong mga nagpapanggap na diyos

Maghanda sa pangil ng lobo

Mga alagad ng sining ang magtatatag ng bagong soberanya

'To ang aming pagbawi ng trono!