47K Views

Thumbnail

(Waiian)

Street Life pa tattoo mo sa noo

Pinulot ang sarili hanggang sa nabuo

Nilibot libot ang kalsadang magulo

Ano po? Pasensya na sa usok na mabaho

Pampalinaw sa isip na malabo

Dahil dyan ganado banayad at kalmado

Kanino ba kaya ako pwede maka get?

At biglang may lumapit ako'y kinalabit

(O'neen)

Bulsang malalim, sige lumapit sakin

Kung hanap panandaliang saya

At palawakin ang isipan makupad

Na kailangan mo ng sipain o kailangan pabagalin

Ang utak na hinahangin

Hindi lumalabas na walang proteksyon na dala

Sa kanan ang kasagutan, panakot sa kaliwa

Taliwas sa tamang daanan, hindi kayang magisa

Proyekto ng arkitektong tila maantala

(Waiian)

Kami ang mga gumanap sa mga eksenang naganap

Sa eskinitang madilim suwali sa babyloniang sakim

Kanya, kanya tayong buhay dito sa mundo

Yun din naman ang totoo

Street Life pa tattoo mo sa noo

Strett Life pa tattoo mo sa noo

Pa tattoo mo sa noo, pa tattoo mo sa noo

(Wavyier)

Na-alimpungatan na para bang akoy nasilawan

Nadampian ng dumi aking isipan nang makita kong mali

Ang iyong mga galawan, ano ba-yan mali iyong nilakaran

Konekta ka saakin ng makita ang daanan paakyat na hagdan

Na para-bang sa langit ka napadaan kalmado katawan

Lumapag sa paliparan swabeng paraan

Mag papapasok sa pintuan

(Aftermatt)

Tao po! may tao po ba dyan?

Ako to di mo na ba natatatandaan

Yung kumukuha ng isandaan

Pst! pst! paget naman!

Sinindihan ko na kasi ang huling smoke ko sa daan

Okay daw kase yung shit mo mabango

Tipong tulog kahit nakatayo

Sobrang chill yung chick di mo na nabayo

Diko naman alam sa ko mahahanap

Parang dagang sobrang mailap

Daan sa impyerno makita lang ang ulap

Hirap talaga hilahin ng tulak

(Ne7in)

Oras na, oras na para siklaban

Mga cool kids na nagtipon parang don sa Katipunan

Handa nyo na ang alak at pulutan

Nabentahan ng piso kapalit limang daan

Tuloy tuloy ang bisyo basta ba afford yan

Maganda lang ang bigayan basta ba aport yan

Wala na kong pake kasi nga pera to ni nanay

Kapag naghulihan bayad lang, kasi diyan ako nasanay