Gapos

By JMara

Released on May 22, 2022

10K Views

Thumbnail

[Intro: JMara]

Dumating ang kalungkutan sa buhay kong ito

Nawalan na ng panlasa sa mga bagay na gusto

Aking enerhiya bigla na lang nagbago

Ako ay binisita ng malungkot na mundo


[Verse 1: Zaki]

'Di ko inakala (Inakala)

Wala ka na pala agad na pumatak ang luha nu'ng nalaman (Nu'ng nalaman)

Sabi mo sa akin magaling ka na, wala nang karamdaman (Karamdaman)

Daya mo naman, lumisan ka, 'di man lang nakapagpaalam

Daming kasalanan, dami kong hiningi pero ni minsan 'di pa 'ko nakakahingi ng tawad (Ng tawad)

Kinamumuhian ko aking sarili

Panahon ay lumilipas 'di ko man lang 'yun naisip

Lahat ay lumilisan, kahit na ipilit

Kahit na gustuhin na permanenteng manatili

Ako'y nangungulila, 'di ko na mapigil

Kadalasan marami ka pang gustong sabihin

Kaso lang kamatayan ang nagpapatahimik

Sa panaginip na lang nakikita

Naglalaho rin agad tuwing gigising na

Tinutulog ko ulit kasi nabitin pa

'Di ko na alam paano sisigla

Matagal ko na rin 'tong iniinda

Sino kaya ang makapagliligtas?

'Di na babalik pero hinihintay

Ngayon pumapasok sa aking isipan

Para 'kong tanga, saka ko hinahanap kung kailan pa na wala

Kung bigyan ng panahon, bibihira talaga

Ang palagi niyang tanong, "bibisita ka pa ba?"

'Di ko man lang masagot, busy ako tabala

Mas inuna ko pa 'yung usok galing sa palara

Mga aral na tinuro mo, palagi kong dala

Mawala ka man sa mundo, sa 'king puso 'di maaaring mawala


[Chorus: JMara]

Dumating ang kalungkutan sa buhay kong ito

Nawalan na ng panlasa sa mga bagay na gusto

Aking enerhiya bigla na lang nagbago

Ako ay binisita ng malungkot na mundo


[Verse 2: JMara]

Ang buhay ng tao ay napakahalaga

Masanay na tayo na sa buhay'y mag-isa

H'wag ka nang magtaka, lahat 'yan ay mabubura

Walang mananatili sa atin na masaya

Walang tao na maaaring makapagdikta ng kaparalan

Walang tao na maaaring 'di makakita ng kalungkutan

Pa'no ko ba lalagpasan ang mga ito

Kung parati na lang nasa loob ng kwarto?

'Di ako lumalabas, binabanas, bumubulong si Satanas

Ako ay tinatanong kung nais ko bang alisan ang lahat ng ito

Wakasan ang buhay kong magulo

Lisanin ang mundong nakakalito

Maling paraan ang mabisa nga lang ay wala nang balikan ito

'Di mo na dapat ibabad sa isip, masyadong makitid, wala sa bilibid

Palitan ng kawal and dating sinulid

Ika'y makinig at ikaw ay manalig

Hindi Siya kalaban, aking kapatid

Sa bawat sigaw, Siya lang ang nakinig


[Chorus: JMara]

Dumating ang kalungkutan sa buhay kong ito

Nawalan na ng panlasa sa mga bagay na gusto

Aking enerhiya bigla na lang nagbago

Ako ay binisita ng malungkot na mundo


[Verse 3: JMara]

Dalawang taon mo din akong sinubukan

Mga ilang tanong, ah basta

Hindi ko mabilang

Habang bumubulong, dinig ko ang patak ng ulan sa bubong ng bilangguan

Dikit-dikit, maalinsangan, at puno ng kalungkutan

Ngunit pa'no ko nga ba 'to nilabanan?

Unang gabi ang pinakamatinding kalaban

Ako mismo 'di ko kinaya, ginusto ko na mawala subalit may pumigil na kung ano na hindi ko na malaman

Nangangatog habang umiimik sa pagtanong sa akin ng ibang kasama ko

Hindi ako masama, ako'y kabilang sa napakaraming mahihirap na may gusto lang na mapala

Ngunit hindi ko ibinigay ang hinihingi ng pagkaka-taon

Inilaban ko dalawang taon nang hindi ko binalak na

Tumalon


[Chorus: JMara]

Dumating ang kalungkutan sa buhay kong ito

Nawalan na ng panlasa sa mga bagay na gusto

Aking enerhiya bigla na lang nagbago

Ako ay binisita ng malungkot na mundo