BAKIT

By J.Kid

Released on October 28, 2019

Thumbnail

Dito sa mundo ang mga tao ay hati sa dalawa

Pero nakakapagtaka kasi kapag singilan na minsan

Yung may pusong ginto sila pa yung na uuna

Kadalasan ay mga demonyo ang natitira

Yung batang syam na buwan hinintay ng kanyang inay

Ginahasa't pinatay ng sarili nyang itay

Hinuli, pinosasan, pinapasok sa kulungan tapos

Pinakain, pinatulog, binihisan. Kontento kana ba na

Yun lang ang kapalit? pano yung buhay ng sanggol na

Hindi na mabalik. Oo nga may batas tayo na sinusunod

E pano yung mga batas na hindi nasusunod

Mga napagkamalan walang awang pinutukan ng alagad ng

Batas kahit hindi nanlaban kaya minsan hindi maiwasan sa

Langit tumingala kung totoo ka nga bakit mo kami ginawa

(kung totoo ka nga bakit mo kami ginawa) (bakit mo kami ginawa)

Dito sa mundo nag kalat ang mapag samantala naka abang lang

Sa pinag paguran ng iba naging patas kana nga gamit mo sipag

At tyaga tapos bungang pinag hirapan mo kukunin lang bigla

Ganon ba talaga kapag ikaw ay bayaran wala ka nang pakealam

Basta kumita ka lang sa maling paraan mo nakuha yung daan-daan

Na kinakain ng pamilya mo ANONG PAKIRAMDAM

Kung yan ang laban na gusto mong panindigan

Mag karoon ka ng bayag sa mayayamang kawatan

Problema kahirapan at kumakalam na tyan

Paulit-ulit na rason ang tawag dyan katamaran

Pormadong pilipino pineperahan ng mga putang pilipinang

Pinipilahan, kaya minsan di maiwasan sa langit tumingala

Kung totoo ka nga bakit mo kami ginawa (ginawa)

Teka hindi pa ko tapos, ang gusto ko tagos yung iba na

Maka diyos galit sa kanila ang diyos kung mag panggap

Lubos sarap ipako sa cross pag namatay lagay sa refrigerator

Tapos defrost mapag mahal kuno sa rosaryo kapit tuko

Kung mag dasal naka luhod pikit matang naka yuko may

Paiyak iyak pa yan kaya may baon na panyo pag labas

Ng simbahan balik sa dati nyang anyo yung iba kwine-question

Paniniwala ng iba hindi mo maiisip yon kung banal ka talaga

Imbis ituro ay pagmamahalan sa kapwa nila mas inatupag

Na sirain ang opinyon ng iba hanggang ngayon nangyayare

Ang kwentong cain at abel mga chismosa sa paligid sana

Mag dilang anghel kaya hindi ko maiwasan sa langit tumingala

Kung totoo ka nga bakit mo kami ginawa (bakit mo kami ginawa)