Released on October 17, 2021

Thumbnail

HOOK:

Kapag ako ay yumaman, di ka makakasabay

Naghirap ako dati, nanood ka lamang habang ako ay umaaray

Kapag ako ay yumaman, di ka makakasabay

Naghirap ako dati, nanood ka lamang habang ako ay umaaray

Pare pare asan ka non

Pare pare asan ka non

Pare pare asan ka non

Nung ako'y walang wala pare, asan ka non!

VERSE 1:

'pag ako ang yumaman pare "hu u" ka

'di ka makakadikit kahit na manuyo ka

Sino ka? Pare hindi kita kilala

Dun ka. 'wag ka na magturo manuno ka

Isa-isahin natin mga dating pinagsamahan natin

'di ba't ikaw itong laging mahilig mang alipusta sa'kin?

Kaibigan kang tinuring pero never kang pumusta sa'kin

Kapag nagkataong kailangan mo ng tulong tapos ka sa'kin

Ipapadama ko sa'yo kung pa'no gumanti yong mga na-api

Aalukin kita ng trabaho. Gusto mo taga timpla ng kape?

'pag ako'y dadaan sa harap mo dapat lang na ikaw ay tumabi

Eh kasi ayokong makatabi. Yong mga dating nang echapwera!

Pwera na lang dun sa mga taong tumulong

Sa'king paggapang sa'ka sa aking paggulong

Pwera na lang din sa sumuporta sa akin

ALAM KONG MASYADONG MAYABANG ANG AKING DATING. SINADYA KO 'YON PARA DI ISMOLIN!

HOOK:

Kapag ako ay yumaman, di ka makakasabay

Naghirap ako dati, nanood ka lamang habang ako ay umaaray

Kapag ako ay yumaman, di ka makakasabay

Naghirap ako dati, nanood ka lamang habang ako ay umaaray

Pare pare asan ka non

Pare pare asan ka non

Pare pare asan ka non

Nung ako'y walang wala pare, asan ka non!

VERSE 2:

Asan ka non pare, nung akoy gumagapang

Hindi ba sabi mo noon lahat ay aagapan

Kapatid na turingan pa man din, kala ko nakadiin

Nung nakaamoy ka na merong problema, hindi ka na namansin

Ang dami dami daming mga peke meron ding tunay kaso lang bilang

Mga kapatid ko raw kunwari pero pag nadale ka nakaka-ilang (ulit!)

Panahong mabigat pang bulsa kung magkandarapa kala mo hibang

Pero pag naubos na'ng yong asset pare, haha, di ka na bilang

San ka dun, pare pakipaliwanag hindi ko makita

San ka non, lakas makadikit nung malaki pa ang kita

Bat ganon, sinubukan namang ugnayan ay hindi masira

Biglang ganon, mangungumusta lang naman, (bat biglang nawala)

Kahit na tulungan mo pa sila sa lahat ng yong kahapon

Yun ang problema na ang nakaraan matik na itatapon

Pero lang teka, di na para lang ba merong pabaon

Sarili unahin, ekis sila, solohin pagbangon

HOOK:

Kapag ako ay yumaman, di ka makakasabay

Naghirap ako dati, nanood ka lamang habang ako ay umaaray

Kapag ako ay yumaman, di ka makakasabay

Naghirap ako dati, nanood ka lamang habang ako ay umaaray

Pare parе asan ka non

Pare pare asan ka non

Pare parе asan ka non

Nung ako'y walang wala pare, asan ka non!