HARANG

By J. Cipher

Released on March 21, 2020

Thumbnail

VERSE 1:

Kumusta kaibigan wala na bang pahanginan

Dami nang nagdadatingan na biyaya hanap ng masasalinan

Dami nang nakaabang, natatataranta lang

Nung wala ka pa dati sila'y ibang klaseng nilalang

Parang mga reptilya kung makapalit ng balat

Bigla na lang silang lalapit kapag ikaw ay biglang umangat

Dati tawa-tawa panay bara-bara

Kapag dininig mo naman ha mga isip bata

Taas ng tingin sa sarili pag kapos ka silay pipe

Sa oras di makalibre pero sa sinag mo'y sisimple

Napakagaling na galawan pero walang ayawan

Edi mas gagalingan ko na lang nang magkusa na nang baklasan

Tutal puro pataasan kahit di mo pa atasan

Kahit na magkamali wala na raw itong atrasan

Magtataka kung na'san kanilang pinaglalaban

Wala lang gusto ka lang daw nilang harangan

HOOK: (2x)

Harang harang, harang harang harang

'nong pinaglalaban, wala, basta maka-harang

Harang harang, harang harang harang

'nong pinaglalaban, wala, basta maka-harang

VERSE 2:

'Di pa 'ko nakahakBANG ANG dami na agad ninyong mga hadLANG

Sa aking daraanan. Teka nga lang. Bakit parang sobrang dalang mo naman

Magbigay ng suporta kaibigan?. 'Di ba kapag tropa nagtutulongan?

'syado ka tuloy napaghahalataan na ika'y takot na aking malamangan

Sa lahat ng mga bagay-bagay gusto mo laging lamang ka

Ayaw mong ika'y nasasapawan. Gamit ka na lang ng salamangka

Nang sa gayo'y meron kang pangontra sa t'wing kami ay aarangkada

Na naman. Kapag kami ay naglabas na naman ng panibago naming obra

Malamang tatangkilikin na naman ito ng aming

Mga taga-pakinig. Malamang 'yong daig lamang ang natatanging

Ayaw bumilib sapagkat masakit pa rin sa kan'yang damdamin

Na mahigitan ng isang bagohan. Kahit 'di man aminin

Halatang-halata naman sa mga matang halos 'di na makatitig

Sa'kin ng deretso. Pare lahat ng mga nakapaligid

Sa'kin 'pag walang pamasahe ay aking pinapasabit

Dito sa'king byahe. 'wag ka ng humarang kung ayaw mong madagit!

HOOK: (2x)

Harang harang, harang harang harang

'nong pinaglalaban, wala, basta maka-harang

Harang harang, harang harang harang

'nong pinaglalaban, wala, basta maka-harang