BOSSING

By J. Cipher

Released on August 19, 2019

Thumbnail

Hook:

Galit, galit na naman si bossing, galit nanaman

Galit, galit na naman si bossing, galit nanaman

Galit, galit na naman si bossing, galit nanaman

Galit, galit na naman si bossing, galit nanaman

Verse 1:

Sisibat nang maaga sa bahay dapat di huli

Papasok nang maaga sa opisina siya ule

Ang 'yong makikita na maaga palagi dumating

Presko ang itsura lakas pa ng dating

Lakas pa nga ng bahing lakas niya rin umiling

Kapag inutusan ng mas mataas sa ibaba ang dating

Lakas lalong magmagaling halos lahat kayang gawin

Kapag naman nagkasablay maghirap ka't dito ka rin

Kala mo sa grupo mo lang merong talanka

Yun pala una si bossing mo di lang halata

Mga galawang tablado ultimo sa trabaho

Kung sino ang nirerespeto siya pa'ng nanggagago

Oras ng kain at pahinga sandal ang daan bawal higa

Sa bossing mo bawal hinga mga gawaing walang tila

Katakataka anong trabaho niya manira ba o mamuna

Makita ka lang na bakante lahat ng gawain sayo na

Hook:

Galit, galit na naman si bossing, galit nanaman

Galit, galit na naman si bossing, galit nanaman

Galit, galit na naman si bossing, galit nanaman

Galit, galit na naman si bossing, galit nanaman

Galit, galit na naman si bossing, galit nanaman

Galit, galit na naman si bossing, galit nanaman

Galit, galit na naman si bossing, galit nanaman

Galit, galit na naman si bossing, galit nanaman

Verse 2:

Sa dinami-dami ng mga pinapagawa nila 'di ko na alam kung sa'n

Ako mag-uumpisa tila ba malabo nang matapos kahit bilisan

Ko man na kumilos 'di maubos-ubos mga utos

Pagkatapos nito boss malamang pudpod na ang aking sapatos

Sa aking kakalakad sa initan 'di naman nagtanim pero nagka-bungang-araw

Laging nagagalit ka araw-araw ka bang dinadalaw ng buwanang dalaw

Puro ka na lang reklamo 'lam mo bang sa kakadada mo

Ay malapit nang dumapo aking kamao sa pagmumukha mo

Ang dami kong mga sama ng loob na hindi ko masabi

Kasi kapag nangangatwiran ako ako pang nadadale

Kung sino pang merong pinag-aralan sila pa yung salbahe

'Di ako pala patol pero iba ako bumawi

Sampal sa mukha mo kapag naabot ko lahat ng pangarap ko

Balang araw babawiin mo lahat ng mga masakit na sinabi mo

Pero pansamantala lubos-lubosin mo na

Akong abusihin baka bukas 'di ka na makaulit pa

Hook:

Galit, galit na naman si bossing, galit nanaman

Galit, galit na naman si bossing, galit nanaman

Galit, galit na naman si bossing, galit nanaman

Galit, galit na naman si bossing, galit nanaman

Outtro:

Wag tayong tablado

Wag tayong tablado

Wag tayong tablado

Wag tayong tablado

Wag tayong tablado

Wag tayong tablado

Wag tayong tablado

Wag tayong tablado

Wag tayong tablado

Wag tayong tablado

Wag tayong tablado

Wag tayong tablado

Wag tayong tablado

Wag tayong tablado

Wag tayong tablado

Wag tayong tablado