Tahimik

By Issa Rodriguez

Released on January 26, 2018

Thumbnail

Tibok, tanging tibok ng mga puso

Ang naririnig

Lunok, nilulunok ang bawat salitang

'Di dapat bitawan

Lunod, ako' y nalulunod sa lalim

Ng 'yong kaisipan

Napapsunod ang aking damdamin sa bawat linyang ating hindi sinasabi

Ipinapamahagi

Dahil tahimik, tahimik

Nagkakaintindihan kahit

Walang sinasabi

Bakit pa kailangang

Ibukas ang mga labi

Kung mauuwi rin naman

Sa 'di pagkakaunawaan

Mabuti pang ako't ika'y

Manatili na lang na tahimik, tahimik

Tingin, kay rami nang nasasabi ng

Iyong mga mata

Hiling, ang tanging nais ko lamang

Ay 'yong makita ang katotohanan

At paniwalaan

Palakas nang palakas

Nang palakas nang palakas

Ang tibok ng mga pusong

Nagsusumamo

Palakas nang palakas

Nang palakas nang palakas

Ang sigaw ng aking pusong

Hindi mo marinig

Oh, hindi pinapakinggan

Hanggang kailan ganito

Dahan-dahan na lang bang

Mamamaalam nang tahimik

Tahimik

Tahimik

Tahimik