Released on March 11, 2022

Thumbnail

[Verse]

Bumubuhos ang ulan

At ikaw na naman

Ang laman ng aking isip

Ang tangi kong panaginip

Sa gitna nitong bagyo

Ang init ng yakap mo

Ang hanap ko

Walang tigil ang pagpatak

Sinasabay ang pag-iyak

Dahil bugso nitong damdamin

Ikaw parin ang hangarin

Ng puso kong uhaw

Habang ulan ay tinatanaw

Ang nais na ikaw


[Pre-Chorus]

Ooh

Ikaw parin ang sigaw


[Chorus]

Kaya't buhos lang ulan

At nang 'yong matakpan

Ang puso kong nanlalamig

Sa'yo pa rin nasasabik

Kahit na alam ko na

Hindi na magbabago ang

Isip mong sumuko na

Bakit puso ko'y lumalaban pa


[Verse]

Ang langit ay makulimlim (Ang langit ay makulimlim)

Paligid ay dumidilim

At sa ilalim ng mga ulap

Lamig ng hangin ang siyang yayakap

Ako'y mananatili

Baka sakaling mahagkan kang muli


[Pre-Chorus]

Dahil ooh

Ikaw pa rin ang sigaw


[Chorus]

Kaya't buhos lang ulan

At nang 'yong matakpan

Ang puso kong nanlalamig

Sa'yo pa rin nasasabik

Kahit na alam ko na

Hindi na magbabago ang

Isip mong sumuko na

Bakit puso ko'y lumalaban pa


[Chorus]

Buhos lang ulan

At nang 'yong matakpan

Ang puso kong nanlalamig

Sa'yo pa rin nasasabik

Kahit na alam ko na

Hindi na magbabago ang

Isip mong sumuko na

Wala na bang pag-asa na

Kumapit kahit kaunti pa?

Bumitaw nalang bigla-bigla

Ikaw ngayo'y malaya na

Ako ay nandirito pa

Ang isip mo'y sumuko na

Bakit puso ko'y lumalaban pa?


[Outro]

Ba't hanggang ngayo'y

Lumalaban pa?