Released on February 12, 2021

Thumbnail

Anong oras na naman?

Ilang araw na'ng nagdaan

Bakit hindi mapagbigyan

Itong pusong sugatan?

Alam kong dapat harapin

At hindi takot ang sundin

Pero bakit ganun pa rin?

Hinahanap ang salarin

Para bang nalimutang naghihilom din

Kung sakit ng sugat ay kakayaning tiisin

Gagaling din

Hintayin mo lang

Huwag bigyang pansin

Lungkot na naka abang

Darating din

Panibagong umaga

Na may dala-dalang

Panibagong simula

Na 'di na papalipasin pang muli

Kailangang maintidihan

Hindi lang ako ang nasaktan

Pero hindi 'to dahilan

Na ako lang ang pagbintangan

Para bang nalimutang natututo rin

Na ang pagkakamali natin 'di uulitin

Gagaling din

Hintayin mo lang

Huwag bigyang pansin

Lungkot na naka abang

Darating din

Panibagong umaga

Na may dala-dalang

Panibagong simula

Na 'di na papalipasin pang muli

Mga sundalo ma'y nagiging sugatan

Kahit pa mali ang pinaglalaban

Hinding-hindi matatakpan ang katapangan

Natututo na at matututo pang

Harapin ang umaga na walang pangamba

Gagaling din

Hintayin mo lang

Huwag bigyang pansin

Lungkot na nakaabang

Darating din

Panibagong umaga

Na may dala-dalang

Panibagong simula

Na 'di na papalipasin pa

'Di na papalipasin pa

'Di na papalipasin pang muli