Habangbuhay

By Issa Rodriguez

On Ready

Released on January 29, 2021

Thumbnail

Ika'y mahalaga

Kung pwede lang ay manatili ka

Dito sa aking tabi

Walang pagmamadali

Kahit ga'no pang kahaba ang gabi

Mahal, alam mo ba?

Nais kong ika'y mapasaya

Wala akong maibigay

Kung 'di aking mga kamay

Yayakapin ka sa habang buhay

'Di ko maipangako

Ang araw at mga bituin

O na ang mga pangarap mo'y aking tutuparin

Ang tanging maaalay ay aking panalangin

Na habang buhay ako'y sa 'yo, ika'y akin

Mahal, pakinggan mo

Itong awitin ko na para lang sa 'yo

Ramdam ko'ng 'yong pagmamahal

Para sa aki'y magtatagal

Kaya ang puso ko sa 'yo'y isusugal

'Di ko maipangako

Ang araw at mga bituin

O na ang mga pangarap mo'y aking tutuparin

Ang tanging maaalay ay aking panalangin

Na habang buhay ako'y sa 'yo, ika'y akin

'Di ko maipangako

Ang araw at mga bituin

O na ang mga pangarap mo'y aking tutuparin

Ngunit ang bawat umaga sabay nating salubungin

Mula sa araw na dinggin

Itong tangi kong panalangin

Na habang buhay ako'y sa 'yo

Bawat umaga ko'y sa 'yo

At habang buhay ako'y sa 'yo, ika'y akin