Released on October 6, 2017

35K Views

Thumbnail

[Verse 1: Iñigo Pascual]

Tatlong taon, apat na buwan tayong magkasama

Ikaw at ako tayo noon ngunit ngayo'y wala na-na-na

Nais mo pa sanang magbakasakaling ibalik

Ang init ng yakap at halik


[Verse 2: Iñigo Pascual]

Ngunit merong mga pangyayari na hindi na maaari

Ikaw ang bumitaw sa kamay kong hawak mo na-na-na

Nang mahigpit, nawala ang kapit at masakit

Alalahanin ang 'di na babalik


[Pre-Chorus: Iñigo Pascual]

Ako'y nangamba, ah-ah-ah

Na biglang gusto mo pa

Tanggap ko na, na-na-na-na

Na tayo ay wala na

Tanggapin mo na rin na hindi ka para sa'kin

Iba na lang, 'wag na ako

Dahil alam ko nang tayo'y


[Chorus: Iñigo Pascual]

Wala nang babalikan, itigil na ang ilusyon

Sayang lang ang oras at ang panahon

Talikdan na ang magulong sitwasyon

Ang masaktan ka ay hindi intensyon

Kung nabunot man, ang saksakan ng

Pag-ibig na nagbunga ng maling desisyon

Ito ang leksyon sa aking bagong misyon

Kapag nand'yan si ex, siguradong may tensyon


[Hook: Iñigo Pascual]

Woah, oh-oh, woah, oh-oh

Woah, oh-oh, woah, oh-oh

Woah, oh-oh, woah, oh-oh

Woah, oh-oh, woah


[Verse 3: Iñigo Pascual]

Labis-labis akong nabahala nang ako ay meron ng iba

Ikaw laging ikaw, ang kontra sa eksena na-na-na

Nanalig ka pa rin hanapin ang wagas na damdamin

Na alam mong 'di na sa atin


[Chorus: Iñigo Pascual]

Wala nang babalikan, itigil na ang ilusyon

Sayang lang ang oras at ang panahon

Talikdan na ang magulong sitwasyon

Ang masaktan ka ay hindi intensyon

Kung nabunot man, ang saksakan ng

Pag-ibig na nagbunga ng maling desisyon

Ito ang leksyon sa aking bagong misyon

Kapag nand'yan si ex, siguradong may tensyon

[Bridge: Aikee, Iñigo Pascual]

Te-tensyonado, kabado at batid ko na 'yong napuna

Maalab na pag-ibig natin ngayon ay limot ko na

Ang dating mapula, kumupas na bigla

Namutla at tila nawalan na ng sigla

Ang mali sa'yo, ikaw lagi ang tama

Napagod at nagsawa na ako sa gan'tong drama

Kaya ang puso ko, nagkusang lumayo sa'yo

Pinilit layuan, isipan mo na magulo

Bagama't pinagtagpo pero 'di nakatadhana

Ang tunay na ligaya ay nasa pagpapalaya

Hindi man nagwakas sa magandang paraan

Kalimutan na lang natin ang ating nakaraan

At tandaan na sa'yo ay may nakalaan (Tandaan)

Hindi man ako 'yon, maaaring nariyan (Maaaring nariyan)

Harapin at tanggapin mo ang katotohanan (Ooh-ooh-oh)

Na ang lahat ng bagay ay mayroong hangganan


[Breakdown: Iñigo Pascual]

Kung nabunot man, ang saksakan ng

Pag-ibig na nagbunga ng maling desisyon

Ito ang leksyon sa aking bagong misyon

Kapag nand'yan si ex, siguradong may tensyon

Wala na, wala na, wala ka nang babalikan


[Chorus: Iñigo Pascual]

Itigil na ang ilusyon (Woah-ooh)

Sayang lang ang oras at ang panahon

Talikdan na ang magulong sitwasyon

Ang masaktan ka ay hindi intensyon

Kung nabunot man, ang saksakan ng

Pag-ibig na nagbunga ng maling desisyon

Ito ang leksyon sa aking bagong misyon

Kapag nand'yan si ex, siguradong may tensyon

[Outro: Iñigo Pascual, Aikee]

Woah, oh-oh, woah, oh-oh

Nakatuon sa misyon, ang buong atensyon

Woah, oh-oh, woah, oh-oh

Dahil kapag nand'yan si ex, siguradong may tensyon