Dyahe

By Ilaya

Thumbnail

[Verse 1]

Hindi ako

Pwedeng makatulog ng ganito

Ni wala akong masulat na kanta para sa’yo

Paano ba

Ilalahad 'tong nararamdaman ko?

Paano ba, paano na

Hindi ako

Pwedeng makatulog sa gabing ito

Nalulungkot, nalilito sa mga emosyon ko

Maliit na bagay ikinakagalit ko

Paano ba, paano na


[Chorus]

Pero bakit ba kasi

Nalimutan mong magsabi?

Ako tuloy ngayon ang nadyadyahe

Hindi ka pa naman okay

Nataon ding ako’y hindi

Paano na, paano na


[Interlude]


[Verse 2]

Hindi naman

Pwedeng pahabain ang gabing ito

Gusto kitang

Kausapin pero tinulugan mo ako

Ano pa nga ba ang inaasahan ko?

Ano pa nga ba ako sa’yo?

Pwede bang ibalik ang pagkakamali mo?

Nababalisa, umiikot ang paningin ko

Naalala ng paulit-ulit kasalanan mo

Ano na ang gagawin ko?


[Chorus]

Pero bakit ba kasi

Nalimutan mong magsabi

Ako tuloy ngayon ang nadyadyahe

Hindi ka pa naman okay

Nataon ding ako’y hindi

Paano na, paano na


[Instrumental]


[Bridge]

Buti ka pa, nakakatulog

Buti ka pa, nakakaidlip

Buti ka pa pero paano ako?

Madaling-araw na

Eyebags ko ay mulat na

Pero wala pa ring “mahal kita”


[Chorus]

Oh bakit ba kasi nalimutan mong magsabi?

Ako tuloy ngayon ang nadyadyahe

Hindi ka pa naman okay

Nataon ding ako’y hindi

Paano na, paano na

Pero bakit ba kasi nalimutan mong magsabi?

Ako tuloy ngayon ang nadyadyahe

Hindi ka pa naman okay

Nataon ding ako’y hindi

Paano na, paano na


[Outro]

Paano na, paano na