Released on April 4, 2021

Thumbnail

[Chorus: Honcho]

Nakatingala sa mga ulap

Nakangiting humihiling at kahit sa'n

Nakatingala sa mga ulap

Nag-aantay na masagot at mabuksan

Ang aking liham sulat na minsa'y aking pinadala

Kahit na malayo't umabot ay malabo sa'kin pinadama

Yah, yah, yah


[Verse 1: Jekkpot]

Alam niyo po ba? Labis ang sisi ko

Bakit po ba siya ang napili ko?

Kasi no'ng una 'di ko po naisip 'to

Hirap makuha lalo't sobrang busy po

Nitong dalaga na kaninang umaga ko pa hanap

Maghapon kong pinangarap hanggang pagdilim ng ulap

At laging unan na lang ba ang aking makakayakap

Sa panaginip ko na lang siguro siya makakausap

Makakasama ko pero pa'no magkakatotoo

Kasi sa twing ako'y lalapit, siya ay lumalayo

May mali ba sa'king gamit na sabon at pabango

'Di ko na nga din po alam ang itatanong sa'yo

Mahal niya ba ko? Siya ba'y mayro'n ding plano?

May balak po kaya siyang sumakay sa eroplano?

O mananatili dito dahil ako'y nandito

Hindi umaalis naghihintay po ng sagot niyo


[Chorus: Honcho]

Nakatingala sa mga ulap

Nakangiting humihiling at kahit sa'n

Nakatingala sa mga ulap

Nag-aantay na masagot at mabuksan

Ang aking liham sulat na minsa'y aking pinadala

Kahit na malayo't umabot ay malabo sa'kin pinadama

Yah, yah, yah


[Verse 2: Bando]

Pwedeng makuntento isang daang porsyento

Nasa sa'yo na kung pa'no ka maging kuntento

Di pwedeng nahiling ng tawad pero di natuto

Walang sinong gumaling na tumitigil mag-imbento

Mag eksperimento man gawin ng pabulong

Lahat may pag-asa pa kahit pa yung nakakulong

Wag na magtanong basta ibigay mo ng buong

Buo ang iyong lakas 'di to pera o bayong

'Wag sabihing buhay 'di na fair kahit pa inaapi

Pre, 'di pa sarado ang pinto ng langit, be aware

Pare, be real 'wag mabalutan ng fear

Kahit pa't sabihing 'di ka fit, ituring kang weird

Ng mga tao sa'yong paligid 'wag mong sisihin

Itaas nakayuko na ulo langit silipin

Bahaghari ando'n sa dulo bago isipin

Na wala ka ng pag-asa utoy, 'ge manalangin, pray!


[Chorus: Honcho]

Nakatingala sa mga ulap

Nakangiting humihiling at kahit sa'n

Nakatingala sa mga ulap

Nag-aantay na masagot at mabuksan

Ang aking liham sulat na minsa'y aking pinadala

Kahit na malayo't umabot ay malabo sa'kin pinadama

Yah, yah, yah


[Verse 3: MC Einstein]

Salamat na agad (Salamat!)

Ang dalangin ay laging natutupad (Natutupad)

Baka kahit 'di na para sa'kin ay binibigay pa rin

Kahit anong hilingin pa at hinahangad

Mahaba pa ang panahon para mapasalamatan pa kita

Kahit alam ko na kulang ang salitang salamat

Para sa mga nagawa


[Bridge: Honcho]

Mo, para sa aming mga nananalangin

Sana bitbit ng hangin, tungo sa'yo

O aming nag iisang hari, gabayan niyo po palagi

Kasama ka kahit sa'n mapadpad ang mga paa habang


[Chorus: Honcho]

Nakatingala sa mga ulap

Nakangiting humihiling at kahit sa'n

Nakatingala sa mga ulap

Nag-aantay na masagot at mabuksan

Ang aking liham sulat na minsa'y aking pinadala

Kahit na malayo't umabot ay malabo sa'kin pinadama

Mahal na kita!