Rap Ka Nga

By Gloc-9

On Liham at Lihim

Released on 2013

Thumbnail

[Intro]

Hindi ba’t ikaw yung manunula

Na palaging nasa radyo’t telebisyon?

Mahina ang kalaban, teka muna

Mga utos mong sa'kin ay obligasyon

Palaging bukangbibig, rap ka nga


[Verse 1]

Labing-anim na taon hindi pwedeng mapikon

Mga paa sa buhangin na palaging nakabaon

Parang tubig sa balon pila ng mga galon

Madami pa akong tugon huwag bitawan ang telon

Itaas ng mabuti, punong kakawate

Na may tutubi, bubuling hindi mo mahuli-huli

Pwede bang masabi mo kung pa’nong atake?

Alin d’yan ituro mo kasi medyo madami

Ang napakinggan kong tunog simula pa nung

CD, MP3, bihira pa no’n

Nineteen ninety-three, bata pa ‘ko no’n

Bolpen na pang-ikot ng Cassette, bihasa ‘ko do’n

Kahit sinong makabangga, tatlo lang ang salita

Marahil iniisip nila na ako’y bihasa

Sa pagsulat ng tula o sa pagsasalita

Palagi na lang wala nang ibang sinasabi kung 'di rap ka nga


[Chorus]

Magkano ang pera mong dala patingin

Halika dito tayo magbilang sa dilim

Oo ang sagot pero ba't umiiling?

Alam naman natin na mahirap gisingin ang gising

Magkano ang pera mong dala patingin

Halika dito tayo magbilang sa dilim

Oo ang sagot pero ba’t umiiling

Alam naman natin na mahirap gisingin ang gising


[Interlude]

Rap ka nga

Rap ka nga

Rap ka nga


[Verse 2]

Kalalabas ko pa lang ng makata

Sumulat na naman ako ng bagong talata

'Di mahalaga kahit maiksi o mahaba

Huwag kang mabahala kasi ako ang bahala

Magkano ang pera mong dala? Patingin

Halika dito tayo magbilang sa dilim

Oo ang sagot pero ba’t umiiling?

Alam naman natin na mahirap gisingin ang gising

Ang gusto kong sabihin, isa lang

Ano ba ang kailangan mo sa’kin? Ano ang pakinabang?

Alam mo na siguro na 'di lamang puro tapang

‘Di makalakad ba’t 'di mo subukang gumapang

Tinawid ko ang tulay ng iba

Inabot ko kahit nakahiga

Sinimot ko ang lahat ng tira

Kahit ako lang 'to at wala ng iba

Sige lang, sige lang silaban ang

Ano mang, ano mang nakahadlang

Ituwid, tagilid, tara kapatid

Habulan, habulan, unahan lang

Sige lang, sige lang silaban ang

Ano mang, ano mang nakahadlang

Ituwid, tagilid, tara kapatid

Habulan, habulan, unahan lang

Hey!

Magkano ang pera mong dala patingin

Halika dito tayo magbilang sa dilim

Oo ang sagot pero ba’t umiiling

Alam naman natin na mahirap gisingin ang gising

Magkano ang pera mong dala patingin

Halika dito tayo magbilang sa dilim

Oo ang sagot pero ba’t umiiling

Alam naman natin na mahirap gisingin ang gising

Rap ka nga

Rap ka nga

Palaging bukang bibig

Rap ka nga