Katulad Ng Iba

By Gloc-9

On Liham at Lihim

Released on 2013

Thumbnail

[Chorus: Zia Quizon]

Hindi lahat ng mahina, nananatiling mahina

Hindi lahat ng malakas ay palaging malakas

Hindi lahat ng mahina, mananatiling mahina

Mata mo'y iyong buksan, bumangon ka't makialam


[Verse 1: Gloc-9]

Paggising sa umaga parang ayaw kong bumangon

Ayoko nang maligo, tapos na 'ko kahapon

Ubusin ang almusal, binabagalan lumamon

Hindi natutuwa kahit pa dagdagan ang baon

Palaging walang kibo, tahimik sa tabi

Hindi ako nakatulog nang magdamag buong gabi

Bilisan mo nang kumilos baka ka mahuli

Anak bakit ka tulala? Lumalamig na ang kape

'Di ko alam ang gagawin, ayoko nang pumasok

Hindi naman mabaho, bakit nakakasulasok?

Merong mga nangyayari sa'tin sa paaralan

Hindi bukas makalawa, ngayon dapat solusyonan


[Chorus: Zia Quizon]

Hindi lahat ng mahina, nananatiling mahina

Hindi lahat ng malakas ay palaging malakas

Hindi lahat ng mahina, mananatiling mahina

Mata mo'y iyong buksan, bumangon ka't makialam


[Verse 2: Gloc-9]

Ano'ng iyong napapala 'pag nanapak ka sa mukha?

Maliliit tinatabunan ng tadyak sabay dura

Laging pinapagtulakan hanggang sila'y madapa

Na parang 'di mo alam ang salitang mapagkumbaba

Unipormeng maputi, papahiran ng dumi

Pinunit ang takdang aralin kong tinapos kagabi

Minsan ako'y napapaisip, 'di ko maisantabi

Pakikipagkapwa tao ba sa'yo ay guni-guni?

Kaibigan isa lamang ang dapat mong tandaan

Nawa'y ang putik mong tinapakan ay 'di ka balikan

Dahil ang nagmamataas, kahit na may dahilan

Ay ang siyang nadudulas upang lupa'y halikan


[Bridge: Zia Quizon]

Ang ibinababa ang siyang tinataas

Ang nagmamataas ang siyang nadudulas

Ang ibinababa ang siyang tinataas

Ang nagmamataas ang siyang nadudulas


[Refrain: Gloc-9]

Tayo'y maging mapagmasid, tulungan natin sila

'Wag tayong maging manhid na katulad ng iba

Tayo'y maging mapagmasid, tulungan natin sila

'Wag tayong maging manhid na katulad ng iba


[Chorus: Zia Quizon]

Hindi lahat ng mahina, nananatiling mahina

Hindi lahat ng malakas ay palaging malakas

Hindi lahat ng mahina, mananatiling mahina

Mata mo'y iyong buksan, bumangon ka't makialam


[Instrumental Break]


[Refrain: Gloc-9]

Tayo'y maging mapagmasid, tulungan natin sila

'Wag tayong maging manhid na katulad ng iba

Tayo'y maging mapagmasid, tulungan natin sila

'Wag tayong maging manhid na katulad ng iba