Nais naming maglaro

Magkatuwaan sa ibabaw ng mundo

Ulap bawiin ang nagbbantang unos

Bawiin ang dilim sa paligid humaplos

Dumungaw kang muli kahit sandali

Pagbigyan ang aming hiling

*Araw! Hawiin ang ulan

Sa langit, pawiin ang lumbay

Sa ami'y iaalay ang liwanag

Na minsa'y nauhaw sa tuwa

Hayaan ang sinag mo'y dumampi sa aming palad

Na sayo'y naghihintay

Iginuhit na sa lansangan ang iyong ngiting mukha

Dinggin ang tinig na sayo'y nagsasabing...

Repeat