Sargo

By Flow G

On 247

Released on August 15, 2025

13K Views

Thumbnail

[Intro]

Flip

Yeah, ah-ah, ah, ah-ah


[Refrain]

Masakit sa mata 'pag 'di mo talaga tanggap

Masakit sa mata

Masakit sa mata 'pag 'di mo talaga tanggap

Masakit talaga

Masakit sa mata 'pag 'di mo talaga tanggap

Na malayo na ang inabutan 'tsaka 'di ako nagpapanggap

Lahat 'to naganap nang wala akong inaapakan

Abangan mo na lang kasi marami-rami na rin akong mga maidagdag

At tsaka iaambag, alam mong isasagad


[Verse]

'Di ko lang gusto makiraan, gusto ko makiupo pa

O sa mga ulo nila, libre maka-upa

'Yung pangalan ko sa utak, tumutunaw

Ano mang gawin, 'di mo mabubura

Pinamumukha sa mga duda, 'di na mura

Medyo may kamahalan (Mil), alam mo kadalasan (Deal)

'Yung mga galawan ko minsan, 'di na nila malaman

Lagi na lang nilang tinutukan, gano'n ako kayabang

'Di na tuloy nila natutunugan, gano'n ako kayaman

Pero hindi pa rin nakakalimot

Kahit mundo ay sang-ayon na lagi at kayang-kaya na malibot

Maririnig mo pa rin kahit mga bunganga namin nakatikom

Kami 'yung reason 'yung musika dito napunta sa e-com

Kaya sulitin niyo, mga iho, tama na ego, 'di pwede rito

Puro pa-igop, puro paikot, nakakahilo, una pabida pati pabibo

Una pa libog kaysa sa libo, una pa ebas kaysa kumilos

Una 'yung diga kaysa resibo, kaysa sumipa, nakakasiko

Sige kami na mga bagito, lagi naman kaming bago dito

'Di lang kami basta paborito, mga una 'tong nakatalisod

Pero malabo na maubusan, alam mo marami na naipon

Kahit na maraming nilulusaw, marami pa rin 'yung nalilikom

Alam mo na 'pag una galaw kaysa una ngawa

Ganyan talaga 'pag una 'yung kilos at una gawa

May napala kahit pilitin nila na pigilin ay balewala


[Outro]

Ang malala, patagal nang patagal lalong lumalala

Sa una wala, pero sa dulo, siguro natural lang matulala