Kasama

By Flow G

Released on September 28, 2024

74K Views

Thumbnail

[Chorus: Chito Miranda]

Pwedeng 'wag ka nang umasta na ikaw lang ang

Nasasaktan at nahihirapan, 'di lang ikaw ang may nararamdaman

Umasa ka na tayo ay magtatagal

Konting tiis lamang at laging tandaan 'pag nagmamahal


[Verse 1: Flow G]

Kung pwede lamang laging masaya

Na magkasama tayong dalawa

Kung may lugar na hindi uso mag-drama

Eh 'di sana una pa do'n na kita dinala

Kaso nga wala no'n, araw-araw may dumadating na hamon

'Di pa natin natatapos 'yung kahapon

'Eto na naman 'yung panibagong problema na nagkakapatong-patong

Tapos dadagdag ka pa, magrereklamo sa'kin na hirap ka na

Umabot pa sa puntong aayaw ka na

Hirap na rin ako, 'di lang ikaw ang nakakadama

Pero umaasang may pag-asa pa

Madalas pikang-pika, utak ko'y pigang-piga

Kakaisip kung kalaban ka ba o kakampi pa

Lagi kang nag-iinarte na akala mo ay aping-api ka


[Chorus: Flow G]

Pwede 'wag ka nang umasta na ikaw lang ang

Nasasaktan at nahihirapan, 'di lang ikaw ang may nararamdaman

Umasa ka na tayo ay magtatagal

Konting tiis lamang at laging tandaan 'pag nagmamahal


[Verse 2: Chito Miranda]

'Di ko na alam kung bakit ba palagi tayo ganito

Ako ay nagtataka at puso ko'y litong-lito

Para bang may kaaway ka sa utak mo

At ako na lang ang sumasalo

Pero kakayanin, alang-alang sa pinagsamahan natin

Sapagkat alam ko na mahal mo din ako

Kahit na paminsan-minsan parang gusto mo na lang akong sumuko

Puno ng drama kahit wala namang problema

Matino naman ako pero kung awayin mo ako

Akala mo siguro na katulad ko 'yung ex mong gago

Magtiwala ka sa akin kaya natin 'yan ayusin

Okay naman tayo ngunit masyado kang praning

[Chorus: Chito Miranda, Flow G, Chito Miranda & Flow G]

Pwedeng 'wag ka nang umasta na ikaw lang ang

Nasasaktan at nahihirapan, 'di lang ikaw ang may nararamdaman

Umasa ka na tayo ay magtatagal

Konting tiis lamang at laging tandaan 'pag nagmamahal

Pwede 'wag ka nang umasta na ikaw lang ang

Nasasaktan at nahihirapan, 'di lang ikaw ang may nararamdaman

Umasa ka na tayo ay magtatagal

Konting tiis lamang at laging tandaan 'pag nagmamahal

Pwedeng 'wag ka nang umasta na ikaw lang ang

Nasasaktan at nahihirapan, 'di lang ikaw ang may nararamdaman

Umasa ka na tayo ay magtatagal

Konting tiis lamang at laging tandaan 'pag nagmamahal ay kasama 'yan

[Outro: Chito Miranda & Flow G, Flow G]

Konting tiis lamang at laging tandaan

'Pag nagmamahal ay kasama 'yan