Ayos Ba?

By Flow G

On 247

Released on August 15, 2025

12K Views

Thumbnail

[Intro]

Kamusta ka na? Kamusta ka na? (Kamusta?)

Ayos ka lang ba? Ayos ka lang ba? (Ayos ba?)

Wala namang dapat ipag-alala

Maniwala, 'wag ka mangamba


[Verse 1]

Habang oras ay tumatakbo (Oh)

Kailangan malaman mo

Kung ano 'yung mga gusto mo lang

Sa tunay na kailangan mo

Kung sino pa 'yung mga mahiling

Sila pa mga nagtatampo

Ulanin ka man nang ulanin

May iba pa ring binabagyo

Lumingon sa paligid, makikita

'Yung iba, hirap na rin, nakangiti pa

'Yung iba, wala kahit na bisikleta

Habang ikaw, naghahanap ka pa ng gasolina

Kung lungkot 'tsaka bigat magkapalitan

Saluhin mo lang lahat, 'wag ka lumiban

'Yan ang mga dahilan para tumibay tayo

'Di lang 'yan basta palamuti lang

Gumawa ng paraan kaysa magreklamo

Isa 'yan sa pinakamahalaga

Ang sikreto para 'di ka mapagod

Gawin kung sa'n ka pinakamasaya

Para 'di mo rin kailangan magtiis

'Tsaka 'di ka din gaano mainip

Kasi 'di lahat ng bagay mabilis


[Chorus]

Kamusta ka na? Kamusta ka na? (Kamusta ka na?)

Ayos ka lang ba? Ayos ka lang ba? (Ayos ka lang ba?)

Wala namang dapat ipag-alala

Maniwala, 'wag ka mangamba


[Verse 2]

'Wag ka na maraming hinahanap (Whoa)

Kasa gising, ipagpasalamat (Whoa)

Lalo na kapag may nilalatag ka

Du'n palang dapat ay mapanatag na

'Yung iba, walang nasisilungan

'Yung iba, nagugutuman

'Yung iba, baon sa utang

'Yung iba, nasa kulungan

Sarili, 'di matulungan habang ikaw ay malaya ka

Sa 'yo, ako na magbabalik

Tatapik na natural lang ang dumadaing

May mga bagay na 'di dumadating

Kasi 'pag nasa 'yo na hindi ka na sabik

Tignan mo na lamang 'yung iba, kahit mayro'ng dinadala

Hindi marunong madala kasi marunong magdala

Sa mga pagsubok, 'di sila nagpadala

Tignan mo ngayon kung saan sila dinala

Mga daraanan natin, kahit malala

'Pag nalampasan, balewala na rin malaon

Pagka wala ka pang mga sugat sa kahapon

Du'n mo masasabi na hindi ka pa malayo

Asahan na kung saan-saan ka pa dadapo

'Tsaka kung saan-saan ka dadalhin ng alon

'Wag magmadali kasi wala kang hinahabol

Huminga ka pagka hinahapo


[Chorus]

Kamusta ka na? Kamusta ka na? (Kamusta ka na?)

Ayos ka lang ba? Ayos ka lang ba? (Ayos ka lang ba?)

Wala namang dapat ipag-alala

Maniwala, 'wag ka mangamba


[Verse 3]

Ano man ang kalagayan, sana makaraos ka

Mga pinagdadaanan mo, matapos na

'Di mo na dapat isipin kung may galos ka

Ang mahalaga, ayos ka! Ayos ba?

Mga gusto makamit

'Wag ka mangangalay abutin, 'wag mo ako biguin

'Di lang ako handa makinig

Tutulungan pa kita na humiling para lalong tuparin

Lagi lang nakaalalay na makatawid

'Di nakakalimot na ika'y kamustahin

Sana 'pag ako naman kailangan pasagip

May makaalala na ako ay tanungin


[Bridge]

Kamusta ka na? Kamusta ka na? (Kamusta ka na?)

Ayos ka lang ba? Ayos ka lang ba? (Ayos ka lang ba?)

Wala namang dapat ipag-alala

Maniwala, 'wag ka mangamba


[Chorus]

Kamusta ka na? Kamusta ka na? (Kamusta ka na?)

Ayos ka lang ba? Ayos ka lang ba? (Ayos ka lang ba?)

Wala namang dapat ipag-alala (Ipag-alala)

Maniwala, 'wag ka mangamba


[Outro]

Kamusta ka na? Kamusta ka na? (Kamusta ka na?)

Ayos ka lang ba? Ayos ka lang ba? (Ayos ka lang ba?)

Wala namang dapat ipag-alala

Maniwala, 'wag ka mangamba