Yearly

By Ex Battalion

Released on April 5, 2021

28K Views

Thumbnail

[Refrain: Flow G]

Kada taon, may bagong rasyon kahit nagbabakasyon

Kada taon, umaraw man o umulan ay sa amin napapanahon

Kada taon, umaangat kahit hindi tumalon kada bagong taon

Kada taon, lamon, hindi 'yon nagkataon dapat ramdam niyo na


[Chorus: Flow G]

Hanggang ngayon, maririnig mo pa rin sa lahat ng istasyon

Hanggang ngayon, sa mga telebisyon maraming imbitasyon

Hanggang ngayon, walang makaawat kasi walang limitasyon

Hanggang ngayon, kasama sa henerasyon, hindi na mabubura 'yon


[Verse 1: Flow G]

Pasalamat nga kayo kasi kahit papa'no, nakabuo kami ng bagong eroplano

Tsaka mga plano, gamit ang tunog na makabago para makasabay ang mga tao

Garantisado, para kahit ilagay sa radyo, panalo, kahit walang hurado

Malinaw na agad ang mataas ang grado, malakas na tao, 'pag naglabas ng bago, woah

Sa sasabihin ko hindi ko gustong magyabang, talagang gusto ko lang ipaalam

Hindi man malaman, ang gawa ko malamang, mahihirapan ka bilangin kung ilan mag-aabang

Kasi 'di 'to matabang, malasa 'to, walang kulang kaya malabo na 'di ka masarapan

Masanay ka na lang pero 'pag 'di ka pa rin nasiyahan, sige lang, 'di na mahalaga 'yan

Basta kada taon, magpapaambon, umasang walang patapon

Kada taon, parang dalagitang may dalaw, malabong hindi magkaro'n

Kada taon, maraming gustong magtanong, kung pa'no kami nagkaro'n

Nag-abang kami sa pagkakataon, sadya 'yon, hindi lang basta nagkataon


[Chorus: Flow G]

Hanggang ngayon, maririnig mo pa rin sa lahat ng istasyon

Hanggang ngayon, sa mga telebisyon maraming imbitasyon

Hanggang ngayon, walang makaawat kasi walang limitasyon

Hanggang ngayon, kasama sa henerasyon, hindi na mabubura 'yon


[Verse 2: Honcho]

Honcho!

'Di kami bumibitaw ng matabang, kasi madami ang nakaabang

Mga tengang kawali, tropa kunwari, buhangin sa mata, nakiilang

Basta kada taon, sa aming nasyon, putok lagi bulkang Mayon

Hindi 'yon nagkakataon, sadya na 'yon, tsong, 'di ka dapat nagtatatanong

Basta pilit, pilit, pilit may masilip kada birit namin para makahirit, kasi puro mahihilig mamuna

Uunahan na kita, naunahan na kita, 'di mo ba 'yun napuna?

Kaya dapat sa'kin ang mata mo nakatitig, mamatay sa kakaisip

Maupo ka d'yan sa gilid, sige, sirit na agad, baka ako'y masagad

Maunahan pa kita, matakot ka, 'pag ako na ang namuna

Na sa'min ang saktong timpla, tunog na wala sa iba

'Pag sa'min galing ang kanta, kinakabisado nila nang 'di mo mahahalata

Kaya sinanay ko sa mga anay, sarili kong bahay

Kahit pamamahay, sabay pang tumagay

Gano'n ko inalay, sarili ko, bago ako humayahay


[Chorus: Flow G]

Hanggang ngayon, maririnig mo pa rin sa lahat ng istasyon

Hanggang ngayon, sa mga telebisyon maraming imbitasyon

Hanggang ngayon, walang makaawat kasi walang limitasyon

Hanggang ngayon, kasama sa henerasyon, hindi na mabubura 'yon


[Verse 3: Brando]

Sinabi ko na 'di ba dati pa, wala 'yan sinong nauna

Mga unang nagturo o naunang mamuna, sarap tsinelasin, oh, siya sapatusan ko na

Kurap ang gusto, inirapan ko na, umapir lang saglit, oh, ayun namula

Inakala nilang bumaba na kami (Bumaba na kami), paraan lang pala

Para kaming lumipad taas paangat, kinakain ngatngat, sino mang makasalubong

'Di lang dapat anim ang pinapabanat, madaming panglapat, kada hitang pinapaugong

At hindi lang mga bata ang pinapahanga, kaya 'pag naghain, malaking malukong

'Di lang basta na tumunganga, laging may panata, dapat mapahanga, may takdang pananong

Sa'min ang mga kantang, 'di mo inakalang umaalingawngaw sa magkabilaang tenga

Kahit ano mang tema, 'di na bagong pananaw

'Di na pwedeng mawala sa eksena kahit na ikulong

O ikadena na may kasamang murang malutong

Taon-taon, laging uhaw palaging gutom

Kaya ngayon, alam mo na 'yon, pweeeh!


[Chorus: Flow G]

Hanggang ngayon, maririnig mo pa rin sa lahat ng istasyon

Hanggang ngayon, sa mga telebisyon maraming imbitasyon

Hanggang ngayon, walang makaawat kasi walang limitasyon

Hanggang ngayon, kasama sa henerasyon, hindi na mabubura 'yon


[Verse 4: King Badger]

Wala nang panahon, para magtapon ng oras kung alam naman na 'di nagkataon

Kung pa'no bumaon sa pandinig ng masa, sasabihin mo pa ba na patapon?

'Yung kaya kong kitain ng isang gabi lang ay kailangan mong ipasok ng buong taon, damn

Kahit natutulog ay sumasamsam, kaya puro mga bitter ang nagdadam-damn

Instant na kasi 'pag sa'min nagmula, laging pumapalo't humahataw sa takilya

Minsan lang kasi kung kami gumawa, flawless shit, 'di kailangan ng masilya

Lahat na tuloy gusto kami na masira, inggit lang kasi sa galaw na pambihira

Walang tumatalab, kahit sino ang manira, pa'no sasabihin na mawawalan ng tira?

Parang bigtime na addict 'to, 'di mawawalan ng arit 'to

Bawal sumakay dito sa raket ko, kami lang ang paangat dito

Kung taliwas ka sa'min, 'eto karit ko, nakatutok na sa sintido

Bigay pugay sa mga iho, para pwede kang sumalok sa aming gripo


[Chorus: Flow G]

Hanggang ngayon, maririnig mo pa rin sa lahat ng istasyon

Hanggang ngayon, sa mga telebisyon maraming imbitasyon

Hanggang ngayon, walang makaawat kasi walang limitasyon

Hanggang ngayon, kasama sa henerasyon, hindi na mabubura 'yon


[Verse 5: Emcee Rhenn]

'Wag kang magtaka, alam mo na 'yan at 'di na dapat pinapaliwanag

Nung dumilim sa rap scene no'n, 'di ba isa kami sa nagpaliwanag?

Pagpasok pa lang, lahat nawindang, 'di mapaliwanag ang mga pagmumukha

Pinagbabali namin mga maling akala nung humakot kami nang tiba-tiba, yah

Wala pang tinitira pero laging merong sugat, silang mga galit para sa amin merong sulat

Parang nanliligaw lang, laging sabik na makausad, habang kami pakape-kape, hindi sila kausap

Ang gusto kong sabihin lang, kahit nakatikom ang bibig ay meron nang sinabi

Nauna ka sa pila, eh ano ang pake ko, kami naman pinipilahan nang madami

Markang iiwan ay masasabi na mala-sapok ni Joe Frazier, yow, haymaker

Mayabang mang sabihin, pero kami 'yung kahulugan na salita na hitmaker (Ooh)

'Di matatanggi, malabong mabura, gamitin 'sangkatutak man na eraser

Rest stay there, 'wag niyo nang piliting lumabas kami, bilang mga dissmaker

[Chorus: Flow G, Skusta Clee]

Hanggang ngayon, maririnig mo pa rin sa lahat ng istasyon (Hey)

Hanggang ngayon, sa mga telebisyon maraming imbitasyon (Hey)

Hanggang ngayon, walang makaawat kasi walang limitasyon (Hanggang ngayon)

Hanggang ngayon, kasama sa henerasyon, hindi na mabubura 'yon (Hanggang ngayon)

[Refrain: Flow G, Skusta Clee]

Kada taon, may bagong rasyon kahit nagbabakasyon (Hey)

Kada taon, umaraw man o umulan ay sa amin napapanahon (Hey)

Kada taon, umaangat kahit hindi tumalon kada bagong taon

Kada taon, lamon, hindi 'yon nagkataon dapat ramdam niyo na hanggang ngayon


[Verse 6: Skusta Clee]

Hanggang ngayon, hinding-hindi niyo makakaila (Hey!)

Na kung 'di dahil sa'min ay pa'no na, ah

Pangalan namin ay malabong mabura

Hola, hola, hola, cut that singing shit, ExB!

Pa'no na lang pala kung 'di kami lumabas

Pa'no kung 'yung mga kanta namin ay 'di malakas

Pa'no na lang pala kung 'di kami magaling

Eh 'di sana, 'di niyo kami titingalain

'Di namin kasalanan, kung ba't 'di na kayo mabenta

Nung panahong anihan na, saka kayo tumengga

Kaya 'yung mga kanta niyo, wala na sa bangketa

Amining masakit na wala na kayong kwenta (Ouch!)

Hindi niyo kayang tanggalin 'yung kabitera niyo sa'min, kaya 'di kami malaos

Matagal na po kayong tapos, tabi mga boss, panahon 'to ng ExB at ni D'Sauce (Bibeh!)

Saludo sa mga lokal na nasa taas na hindi tayo titigil hanggang mas lumakas pa

Pero do'n sa mga pikon na wack, may pag-asa pa kayo na tigilan ang rap, hah

(Tap na!)