Released on May 29, 2018

43K Views

Thumbnail

[Intro: Bosx1ne]

Handa 'kong ibigay lahat ng yaman sa mundo

Handa akong makipaglaban para lang sa'yong gusto

Handa ako na sumugal, handang mamatay para sa'yo kung kailangan

Ako'ng superhero mo handa kang ipaglaban


[Chorus: Bosx1ne]

Handa 'kong ibigay lahat ng yaman sa mundo

Handa akong makipaglaban para lang sa'yong gusto

Handa ako na sumugal, handang mamatay para sa'yo kung kailangan

Ako'ng superhero mo, handa kang ipaglaban

[Verse 1: Alden Richards with Bosx1ne]

'Wag kang matakot, ako ay nandirito

At pag-ibig ang babalot sa atin at hindi ko

Papabayaan na masaktan at masugatan ka

Pisikal o sa pakiramdam man dahil ako ang superhero mo

Dapat sa'kin ay hindi ka sana maghinala

Ako na ang bahala, sa'kin ka humawak

'Wag kang mabahala, lahat ay makakaya

Basta para sa'yo handa akong lumaban

Ikaw lang at ako lalaban sa buong mundo

Basta't tayo ay magkasama hanggang dulo


[Chorus: Bosx1ne]

Handa 'kong ibigay lahat ng yaman sa mundo

Handa akong makipaglaban para lang sa'yong gusto

Handa ako na sumugal, handang mamatay para sa'yo kung kailangan

Ako ang superhero mo, handa kang ipaglaban


[Verse 2: Flow G]

Ako ay laging nakatingin

Nakamasid palagi sa'n ka man makarating

'Di mo lang pansin, binabantayan kita nang palihim

Para sa t'wing mapapahamak kaya kang sagipin

Ako'y nandito, para sa'yo lahat gagawin ko

Pipilitin ibigay anumang hilingin mo

'Di ako nandito para magpaka-weirdo

'Di mo lang alam, handa 'ko magpaka-hero

Ako'ng haharang, 'wag ka lang mahirapan

Ako ang sasalo ng mga bubog sa daanan

Para lamang 'di masugatan ang 'yong talampakan

Aalagaan ka, kahit wala kang karamdaman

Kung kailangan, dahil para sa'kin ganyan ka kahalaga, kaya

Kung kailangan, gagawin ko ang lahat kahit ako'y mapasama


[Chorus: Bosx1ne]

Handa 'kong ibigay lahat ng yaman sa mundo

Handa akong makipaglaban para lang sa'yong gusto

Handa ako na sumugal, handang mamatay para sa'yo kung kailangan

Ako ang superhero mo, handa kang ipaglaban


[Verse 3: Bullet D]

Saan man handa kitang samahan

Tawagin lang ako 'pag may kailangan

Ikaw ang lakas at kahinaan

Kaya hinding-hindi pababayaan

Nasa'n ka man, mapupuntahan

Sa panganib man na merong hadlang, 'di aatrasan

Lagi lang na sa'yong likuran, masasandalan

Nakahanda kang paglingkuran at gagabayan

Dahil walang katumbas sa'kin ang katulad mo

Lagi kang iingatan sa'n mang sulok ng mundo

Palagi mong isipin na nandito lang ako

Handa kang ipaglaban kahit na ikapahamak ko para sa'yo kasi


[Verse 4: Jackmow]

Ikaw ang naging dahilan

Ikaw ang dahilan kung ba't may pinaghuhugutan

At pinagkukunan ng lakas ng loob

Tatag ng paninindigan na kahit anong mangyari

Magsisilbi mong sandigan, tiga-pagligtas mo ako

Ano mang oras kailanganin mo ay heto

Wala nang pwede pang ibang makakapanakit sa'yo

Isang tawag mo lang nand'yan agad ako, asahan mo

Prinsesa ka para sa'kin, ako'y aliping superhero na magiting

Ako din ang magiging kakampi sa lahat mananatiling

Nakasunod, nakamasid sa'yo, saan ka man makarating


[Chorus: Bosx1ne]

Handa 'kong ibigay lahat ng yaman sa mundo

Handa akong makipaglaban para lang sa'yong gusto

Handa ako na sumugal, handang mamatay para sa'yo kung kailangan

Ako ang superhero mo, handa kang ipaglaban


[Verse 5: Skusta Clee]

Basta tawagin mo lang ang pangalan ko

Tawagin mo ako kapag kailangan mo

Sa oras na masama ang kalagayan mo

Parating na 'ko, 'wag kang tatakbo

Andito lang ako habang nand'yan ka

'Di kasi ako papayag masaktan ka

Kung pwede lang na araw-araw bantayan ka

Para kung aalis ka man ay masamahan ka

Sa lakad mo 'wag ka na nga mangamba

Nandito lang ako, ikaw ay kumalma

Kasama mo ako, 'wag kang mataranta

Yayakapin kita kapag kinakabahan ka

Hindi ko hahayaang mapahamak ka (Yeah, yeah)

Ano mang mangyari ay ipaglalaban kita

[Chorus: Bosx1ne, Skusta Clee]

Handa 'kong ibigay lahat ng yaman sa mundo (Oh-oh)

Handa akong makipaglaban para lang sa'yong gusto (Ipaglalaban kita)

Handa ako na sumugal, handang mamatay para sa'yo kung kailangan (No, no; Baby, yeah)

Ako ang superhero mo, handa kang ipaglaban

Handa 'kong ibigay lahat ng yaman sa mundo (Handa 'kong ibigay; oh, no, no)

Handa akong makipaglaban para lang sa'yong gusto (Para lang sa'yong gusto)

Handa ako na sumugal, handang mamatay para sa'yo kung kailangan (Yeah-yeah; kung kailangan)

Ako ang superhero mo, handa kang ipaglaban (Hey, oh-oh, ooh, no, yeah)