Second Chance

By Ex Battalion

On X

Released on February 3, 2016

Thumbnail

[Intro]

Kung kaya ko lang bumalik sa nakaraa′y, aking gagawin

Upang maitama ko ang mga maling

Nagawa sa 'yo at ′di na muling

Papalitan ako, oh

Pwede ba natin na pag-usapan 'to?

Ayokong mawala ka pa sa buhay ko

'Di ko kakayanin ′to

′Wag ka sa 'kin lumayo

′Di ko kayang tumayo


[Verse 1]

Dahil nga nasanay na ako't umasa na ako na nand′yaan ka

Palagi sa buhay ko, nasaktan kita pero 'di ko napuna

Na umalis ka nang ′di nagpapaalam

Dumating ka ngunit muling iniwanan

Dahil nga nagkulang gusto ko mapunan

Lahat ng mali ko sa 'yo kasalanan ko

(Alam kong) Niyapos ako ng tukso

Dahil akala ko mas masaya kapag ganito

Subalit hindi pala, 'di pala, hindi pala

Mas masaya ako kapag ka nand′yan ka

Dahil sa t′wing kasama ka'y ligayang nadama

Ngunit dahil sa ′kin kaya wala ka na

Sana maibalik ating nakaraan

Bigyan mo 'ko ng tyansang ika′y mabalikan


[Chorus]

Pwede ba na magsimula muli tayong dalawa?

Mga hapdi sa ating kahapon ay iwanan na

Ako ay pagbigyan mo sanang makabawi sa

Mga kasalanan, pagkakamali kong nagawa

Sumpa kong gagawin lahat

Itutuwid mga pagkakasala sapagkat

Ayoko, 'di ko pala kayang malayo sa ′yo

Kaya sana ay mapagbigyan mo pa ako


[Verse 2]

Alam mo naman marami akong nagawa na mali no'ng una pa lang

Pero sana naman pagbigyan mo ng pagkakataong

Maibalik ang tiwala mo sa akin

At 'di na sasayangin

Para 'di ka na muling malayo sa akin

Ating pagtibayin pa kung sakali na muling mabuo ang ating

Relasyon na nasira dahil sa akin

Patawarin sa mga pagkakasala, ibalik na natin

′Yong dating masaya na tayong dalawa′t walang problema

Kayang patunayan nang walang hanggan

At tayo ang pruweba

Kasi ang totoo, ako ay lubos na nanghinayang sa ′king sinayang

Pagmamahal lang iyong inalay sa 'kin

Sinukli ko′y panlilinlang (panlilinlang)

Ako ay lubos na nanghinayang

Tapat pala ang inaakalang

Hindi na kayang tumagal sa'ming pagmamahalan (pagmamahalan)

Mapatawad mo pa sana ako kung ako sa 'yo′y 'di nagtiwala (tiwala)

Kaya nagawa ko tumingin sa iba

Hanapin ang pag-ibig na akala ko'y wala na (wala na)

Dahilan kung bakit sa ′kin nawala ka

Mapayagan mo pa sanang makabawi (bawi)

Mabalik muli ang ngiti sa ′iyong mga labi

At saya muli sa 'kin mamalagi (lagi)


[Chorus]

Pwede ba na magsimula muli tayong dalawa?

Mga hapdi sa ating kahapon ay iwanan na

Ako ay pagbigyan mo sanang makabawi sa

Mga kasalanan, pagkakamali kong nagawa

Sumpa kong gagawin lahat

Itutuwid mga pagkakasala sapagkat

Ayoko, ′di ko pala kayang malayo sa 'yo

Kaya sana ay mapagbigyan mo pa ako


[Verse 3]

Kung ako lang ay nakuntento at ′di na nanggago

Tinupad at 'di ipinako mga sumpa ko at pinangako sa iyo

′Di sana'y 'di nanghihinayang sa mga bagay na

Nasayang na at ako ang dahilan kung ba′t biglang natapos na

Mapatawad mo na sana

Nais ko′y ipaalam sa 'yo na ′di ko pala kaya kung wala ka

Patawarin mo pa sana kung bakit ngayon lang ako nanghihinayang

Na ikaw ay talagang walang kasalanan kung nagkulang ka

'Di lang talaga ako nakapag-antay na

Iyong mapunan ang mga pagkukulang mo na sa'kin nagawa

Dahilan ko kung ba′t kumaliwa 'ko

Nagmadali at hindi ka inisip at sinilip

Kalagayan mo sa pag-aakalang ang pag-ibig mo'y matibay at ′di bibigay

Maiintindihan ngunit bumitaw ka

Kaya ako ngayo'y naghihintay

Pa rin at umaasa pang matutuwid

Akin mga sablay at pagkakamaling

Nagbatid sa 'kin sa wakas sa panghihinayang ko

Pwede bang bumalik ka na sa akin, ayusin na natin ′to?


[Chorus]

Pwede ba na magsimula muli tayong dalawa?

Mga hapdi sa ating kahapon ay iwanan na

Ako ay pagbigyan mo sanang makabawi sa

Mga kasalanan, pagkakamali kong nagawa

Sumpa kong gagawin lahat

Itutuwid mga pagkakasala sapagkat

Ayoko, ′di ko pala kayang malayo sa 'yo

Kaya sana ay mapagbigyan mo pa ako


[Outro]

Pwede ba na magsimula muli tayong dalawa?

Mga hapdi sa ating kahapon ay iwanan na

Ako ay pagbigyan mo sanang makabawi sa

Mga kasalanan, pagkakamali kong nagawa

Sumpa kong gagawin lahat

Itutuwid mga pagkakasala sapagkat

Ayoko, ′di ko pala kayang malayo sa 'yo

Kaya sana ay mapagbigyan mo pa ako